π¦π¨π π§π¨π¨π π£π₯πππ¦ππππ¨π
Sagot sa mga pagtutol ukol sa Mahal na Birheng Maria at sa Intecession of saints
-Humphsky Rey
Tanong, naririnig kaya ni Santa Maria at mga Santo ang ating mga panalangin? Paano nila magagawa ito kung hindi naman sila Diyos na "Omniscient", "Omnipresent" at "Omnipotent"?
Simple lang po ang sagot diyan, basahin po natin ang sinabi mismo ng Anghel ng Diyos ukol sa kung ano ba ang kayang gawin ng Diyos:
Lucas 1:37
"... sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”
Ano naman po ang patotoo ng Mahal na Birheng Maria sa kayang gawin ng Diyos?
Lucas 1:49
"... dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal!"
Ang DIYOS po ay gumagawa ng mga dakila at imposibleng bagay sapagka't kung ano ANG IMPOSIBLE SA TAO AY POSIBLE SA DIYOS. Ito ang mismong sinabi ng Panginoong Hesukristo:
Lucas 18:27
“Ang mga bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,” tugon ni Jesus. (cf. Mateo 19:26, Marcos 10:27)
Diyan palang po ay nasagot na natin ang tanong. Pero para mas maunawaan ng mga nagtatanong, magbibigay po tayo ng paliwanag.
Alam natin na napapakinggan ng Diyos ang panalangin ng mga tao sa lupa, lalo pag hiniling mong manalangin para sa iyo ang iyong kapwa. Sa simpleng paraan ay kayang ipanalangin din ng iyong kapwa ang lahat ng taong humingi sa kanya ng tulong upang ipanalangin din sila. How much more ngayong ang isang taong matuwid ay nasa Langit? Ngayon, kung ang isang tao ay namatay at napunta sa Langit, ano ang magiging katulad ayon sa Biblia? Basahin natin:
1 Juan 3:2
Mga minamahal, anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo'y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya.
Magiging gaya natin siya. Ibig sabihin ay makikibahagi tayo sa kanyang kaluwalhatian:
Mga Taga-Roma 8:17
"At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian."
Mung ganon ang mga Banal sa Langit ay katulad ng Diyos at kabahagi na sila sa kanyang kaluwalhatian. Anong ibig sabihin nito? Sila ay mga GINAWANG GANAP:
Mga Hebreo 12:23
"Dumalo kayo sa masayang pagtitipon ng mga itinuring na panganay. Ang kanilang mga pangalan ay nakatala sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong ginawang ganap."
At dahil sa sila'y ginawang ganap, sila ay "in communion na with God", at sa ganoon ay ginawa sila ng Diyos na may kakayahang makarinig, makakita at makaunawa ng lahat ng mga pagsamo natin upang ipanalangin nila tayo, ilan man ang bilang, ano man ang wika.
Eh ang tanong, sila bang mga kaluluwa sa Langit ay buhay at may kamalayan? Pasagutin po natin ang Biblia:
Pahayag 6:9-11
"Inalis ng Kordero ang panlimang selyo, at nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at dahil sa matapat na pagsaksi nila rito.
Ubos-lakas silang sumigaw, “O Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat! Huwag na po ninyong patagalin ang paghatol at pagpaparusa sa mga taong pumatay sa amin.”
Binigyan ng puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa kanilang magpahinga nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kasamahan sa paglilingkod kay Cristo, na papatayin ding tulad nila."
Mababasa po na ang mga kaluluwa sa Langit ng mga Banal ay buhay at mayroong kamalayan o consciousness.
Eh sila po ba ay nananalangin para sa atin?
Basahin po natin:
Pahayag 5:8
"Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buhΓ‘y na nilalang at ang dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal."
Pahayag 8:3-4
"Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo naman sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos. Mula sa kamay ng anghel ay unti-unting tumaas sa harapan ng Diyos ang usok ng insenso kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos."
Sa langit po ay nakita ang mga Banal o Santo na nanalangin para sa atin. Eh ano sila? Mga Katoliko po ba sila? Basahin natin.
Pahayag 7:9-10
"Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!”
Sila pala ay hindi na mabilang sa dami, mula sa iba't-ibang wika, bansa, bayan at lahi, at may hawak na mga palaspas. Isipin mo, kaya mong bilangin ang mga Katolikong namatay na Banal mula pa 33 AD hanggang ngayong kasalukuyan? At may hawak pa nga silang mga palaspas. Katolikong tunay!
Buhay na buhay po sila, sapagkat ang Diyos ay Diyos ng mga buhΓ‘y at hindi ng mga patay!
Lucas 20:38
"Kaya't ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhΓ‘y, sa kanya'y buhΓ‘y ang lahat.”
(cf. Marcos 12:27)
Maging ang mga lingkod na sina Elias at Moises ay nagpakita kay Jesus(Lucas 9:30-31).
Pero balik tayo sa ating paksa. Kung sila ay nasa Langit na, bakit pa sila nananalangin?
May mga uri ang panalangin, maaring ito ay supplications, intecessions, praise at iba pa. Alam nating sila ay nananalangin sa Diyos at sa Diyos ay nagbibigay ng papuri sapagkat sila ay nasa Langit na. Hindi din sila maaring manalangin para sa kanilang sarili, para saan pa?
Kaya ang 100% na pinapanalangin nila ay walang iba kundi tayong mga narito sa lupa(Militant Church) at mga nasa Purgatorio(Suffering Church) dahil silang mga nasa Triumphant or Glorious Church ay kaisa parin natin, sapagkat iisang katawan tayo kay Cristo:
1 Mga Taga-Corinto 12:27
"Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito."(1 Corinto 10:17, 12:20, Colosas 1:18).
Kaya kung sinasabi nilang hindi naririnig ng mga Santo ang panalangin natin ay winawatak nila ang katawan ni Cristo.
Pero hindi natin sinasabi na sila ay mga Diyos na, sila ay kabahagi ng Diyos at ang Diyos ang dahilan kaya sila ay may kakayahang imposible para sa tao.
Hindi din porke sila ay nanalangin ay papakinggan na tayo ng Diyos. Ang Diyos parin ang magkakaloob at magbibigay. Maari silang tanggihan ng Diyos. Kaya maling sabihin nila na hindi tayo sasagutin ni Maria o mga Santo, hindi talaga sila sasagot, kundi ang Diyos ang sumasagot sa pamamagitan ng pagsamo nila.
Isang halimbawa ng mga panalanging tinanggihan ay ang panalangin o pagsamo ng mayaman sa kwento ni Jesus sa Lucas 16:20-31.
Bagamat hindi pinagbigyan ang panalangin o pagsamo nito, hindi sinabing bawal ang kanyang ginawa.
Isa pang halimbawa ay ang ginawa ni Saul sa pamamagitan ni Samuel na noon ay isa ng kaluluwa upang ipakausap ang kanilang kapalaran at suliranin sa kamay ng mga kaaway(1 Samuel 28:8-19).
Natawag at nakiusap siya sa Espiritu ni Samuel upang ipakausap ang problema niya sa Diyos pero siya ay tinanggihan nito. Pero ito ay isang Necomancy at paggamit ng Medium na bawal sa ating pananampalataya. Hindi ganito ang tamang pamamaraan.
1 Samuel 28:15-19
Itinanong ni Samuel kay Saul, “Bakit mo ginagambala ang aking pamamahinga?”Sumagot siya, “May malaki akong suliranin. Sinasalakay kami ng mga Filisteo. Tinalikuran na ako ng Diyos at ayaw na niyang magpahayag sa akin, maging sa mga propeta o sa mga panaginip. Ipinatawag nga kita upang itanong kung ano ang dapat kong gawin.”
Sinabi ni Samuel, “Bakit magtatanong ka pa sa akin gayong tinalikuran ka na ni Yahweh at siya'y kaaway mo na? Iyan na ang katuparan ng ipinasabi niya sa iyo. Inalis na sa iyo ang pagiging hari, at ibinigay na kay David. Hindi mo sinunod ang kanyang utos na lipulin ang mga Amalekita, kaya ginagawa niya ito sa iyo. Ikaw at ang buong Israel ay ibibigay ni Yahweh sa kamay ng mga Filisteo. Bukas, ikaw at ang iyong mga anak ay mamamatay rin sapagkat niloob na ni Yahweh na mahulog kayo sa kamay ng mga Filisteo.”
Take note: Walang sinabing hindi maaring humingi ng Intecession dito, pero tinanggihan na siya ni
Sammuel sapagka't Diyos na mismo ang ayaw makinig. Ibig sabihin nasa Diyos parin ang huling salita sa bawat panalangin. Sa paggamit niya ng Medium lalo siyang nagkasala. Ipinapakita din dito na may epekto sa panalangin ang paraan na ginamit.
Ngayon, gusto kong ipapansin sa inyo ang reaksyon naman ng mga Hudyo noong si Cristo na ay nakapako sa Krus:
Marcos 15:34-36
Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang kahulugan ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”
Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at kanilang sinabi, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!” May tumakbo upang kumuha ng isang espongha; ito'y binasa ng maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang patpat at ipinasipsip kay Jesus. “Tingnan nga natin kung darating si Elias upang iligtas siya,” sabi niya.
(cf. Mateo 27:46-49)
Ano daw ang sinabi ng mga tao doon na nakarinig sa panaghoy ni Jesus?
“Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!”...“Tingnan nga natin kung darating si Elias upang iligtas siya,”
Isipin ninyo, bakit nila iyon sasabihin kung wala palang puwang sa kanila ang mga kaluluwa ng mga yumao na? Ayon po sa mga dalubhasa sa Kasulatan, kaya ito nasabi ng mga tao sa paligid ni Jesus sapagka't sa panahong iyon ay naniniwala sila sa intecession of Saints o ang maaring paghingi ng tulong sa mga yumao nang lingkod ng Diyos.
Isa din sa napansin ko ay ginagamit nila ng 1 Timoteo 2:5 na iisa lamang daw ang Tagapamagitan sa Tao at sa Diyos, iyon ay si Cristo-Jesus. Tama naman po iyan, pero anong klaseng pamamagitan? Ito po ay mababasa sa verse 6, ang ipagkasundo tayo sa Diyos.
1 Timoteo 2:5-6
Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos.
Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan. Ang katotohanang ito ay pinatunayan sa takdang panahon.
Pero kung itataas lamang po natin ang basa naroon naman po ang sagot sa kung ang Intecession ba ay katanggap-tanggap:
1 Timoteo 2:1-3
Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo(INTECESSIONS), at pasasalamat para sa lahat ng tao. Idalangin rin ninyo ang mga hari at maykapangyarihan, upang tayo'y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.
Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas.
Kaya malinaw po, huwag lamang puputulin kasi.
Ano naman po ang mga halimbawa ng mga dakila at universal na kakayahan na ipinamalas ng mga lingkod at alagad ng Diyos sa kanyang kapangyarihan?
Una, kahit na sila ay nabubuhay pa lamang ay nakaya na nilang magsalita at umunawa ng iba't-ibang wika:
Mga Gawa 2:4
"at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu."
O buhay pa po sila niyan wala pa sila sa Langit.
Kahit si Juan po:
Pahayag 7:9-10
Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!”
Biruin mo, si Juan na buhay ay nakakita, nakarinig ng mga wika ng napakaraming tao mula sa iba't-ibang wika, lahi bansa at bayan, ay naunawaan niyang lahat ang kanilang sinasabi na:
“Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!”
Iyan ay kahit pa ibat-iba ang kanilang wika. At si Juan ay nasa lupa pa noon. How much more ngayon na sila ay nasa Langit na? Ito ang pahiwatig ni San Pablo sa 1 Corinto 13:12.
Eh si Maria, bakit naman tayo humihingi ng tulong sa kanya?
Sapagka't siya ay ang ina ang ating Panginoon. Kagaya na lamang ng kaganapan sa Kasalan sa Cana kung saan sila naubusan ng alak. Hindi pa panahon noon ni Jesus pero ginawa niya ito dahil sa pagsamo ng kanyang ina. Makikita din natin dito na mayroong pagkukusa ang mga Santo sa Langit. Sapagkat nga sila ay may kamalayan. Diyos si Cristo, bakit niya susundin ang kanyang ina? Pero bilang anak ginawa niya ito(Juan 2:1-10).
Isa pa, si Maria ay inilarawan bilang isang Rachel, ang Matriarch ng Buong Jerusalem. Sapagka't kahit na si Rachel ay patay na dahil sa panganganak kay Benjamin ay nananangis parin siya sa kanyang mga Anak at siya ay pinakinggan ng Diyos higit kina Moises na hindi niya dininig ayon sa Lamentations Rabbah 24 na mula sa Tradisyon ng mga Hudyo (Jeremias 31:15-17). Tandaan matagal nang patay diyan sa tagpong iyan si Rachel(Genesis 35:16-18) at noon lamang siya na ang namagitan saka lamang nagsalita ay nakinig ang Diyos.
Si Maria din ang bagong Batsheba o Queen Mother ng Israel. Si Batsheba ang ina ni Solomon at sa Davidic Kingdom ng Jerusalem ang ina ng hari ang siyang reyna. Ganoon din si Maria sapagkat si Cristo ang bago at dakilang Hari ng bagong Israel. At katulad ng pamamagitan ni Batsheba sa Anak nito na mababasa sa 1 Kings 2:19 ay ganoon din po ang ating mahal na Birheng Maria.
Pansinin din ang salita ng mahal na Birheng Maria:
Lucas 1:48
"sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad(Blessed)"
Paano niya maaapreciate na tatawagin siyang "Blessed" ng lahat ng salinlahi o henerasyon kung di niya mapapakinggan?
At maging ang mga unang Cristiano ay naniniwala dito, sa katunayan ay natuklasan noon ang isang bahagi ng Ancient Papyrus sa Egypt(3rd Century) na naglalaman ng isang panalangin, "Beneath Thy Protection" (Ancient Greek: α½Οα½Έ Οὴν Οὴν Ξ΅α½ΟΟλαγΟΞ½Ξ―Ξ±Ξ½; Latin: Sub tuum praesidium):
"Beneath your protection,
we seek refuge, O Holy Mother of God;
despise not our petitions in our necessities,
but deliver us always from all dangers,
O Glorious and Blessed Virgin.
Amen."
Tandaan hindi ibig sabihin na nananalangin ka sa isang Banal ay sinasamba mo na siya at siya na ay diyos. Ang panalangin ay isa lamang "communication" in turn, we ask them to pray for us, sinasabi natin: "IPANALANGIN MO KAMI". Tandaan we can always pray directly to God pero iba parin pag malakas ka sa kanya dahil may "backer" ka.
At sa mga katangian naman ni Maria, hindi lang limitado ang ibinigay ng Diyos sa kanya sa pagkaunawa ng mga iba't-ibang wika, sa kasaysayan ay pinatutunayan ng mga Aparisyon niya na siya ay nakakasakop din sa mga lahi at kultura, halimbawa siya ay nagpakita sa Guadalupe bilang isang Indian, at sa Portugal naman ay isang European at marami pang iba.
Kaya mga kapatid, malinaw po ang sinasaad ng Biblia, hindi lang po dapat na ito ay basahin kundi pagnilayan at unawain sa gabayng Espiritu Santo na nasa Magisterium ng Catholic Church. WE PRAY WITH MARY AND THE SAINTS.
Pa copy po bro, e sa-save ko lang para may babasahin at aaralan ako. Thank you bro Humps.
ReplyDeleteSure
ReplyDelete