Wednesday, November 13, 2019

GAANO KABISA ANG INTERCESSION NI MOTHER MARY?

GAANO KABISA ANG INTERCESSION NI MOTHER MARY?

Bigyan natin ng isang tagpo mula sa Biblia:

✝️Kinapos ng handang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Anak, naubusan sila ng alak.”
Juan 2:3 RTPV05

πŸ‘‰-ANAK, naubusan na sila ng ALAK.

✝️Sinabi ni Jesus, “Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang. Hindi pa po ito ang tamang panahon.”
Juan 2:4 RTPV05

πŸ‘‰-HUWAG po ninyo akong PANGUNAHAN, Ginang.

πŸ‘‰-HINDI pa po ITO ang TAMANG PANAHON.

✝️Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”
Juan 2:5 RTPV05

πŸ‘‰-GAWIN ninyo ang anumang SABIHIN niya sa INYO.

✝️May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang 115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio.
Juan 2:6 RTPV05

✝️Sinabi ni Jesus sa mga tumutulong doon, “Punuin ninyo ng tubig ang mga banga.” At pinuno nga nila ang mga banga. Pagkatapos, sinabi niya, “Kumuha kayo ng kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan, at
Juan 2:7‭-‬8 RTPV05

πŸ‘‰-SABI ni JESUS sa mga tumutulong doon,

πŸ‘‰-PUNUIN ninyo ng TUBIG ang mga BANGA.

✝️...tinikman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, “Ang masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak!”
Juan 2:9‭-‬10 RTPV05

πŸ€”-Kung NAKAGAWA nga ng HIMALA si JESUS ng wala sa TAMANG PANAHON ng DAHIL kay MARIA. πŸ˜‡πŸ™

πŸ‘‰-Yun pa kayang DASAL ng mga TAONG NANANAMPALATAYA kay JESUS at humingi ng tulong sa kanyang Ina na ilapit ito sa kanya?

Additional:

Tayo yung mga tauhan doon, si Maria at mga Santo ang naglalapit sa ating mga hinaing kay Cristo at sa Diyos, pero hindi sapat ang dasal lang, dapat may gawa din, punuin din natin ng tubig ang mga banga. πŸ™✝️😊

Mama Mary pray for us!

-Humpsky Rey

No comments:

Post a Comment