Thursday, November 21, 2019

KUNG DIYOS SI CRISTO, BAKIT HINDI NIYA ALAM ANG ARAW NG KANYANG PAGBABALIK?

✝️KUNG DIYOS SI CRISTO, BAKIT HINDI NIYA ALAM ANG ARAW NG KANYANG PAGBABALIK? ✝️

By Humphsky Rey

Ito ang kadalasang naririnig natin sa mga tumutuligsa sa pagka Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, sabi nila, hindi daw maaaring maging Diyos si Cristo dahil hindi naman siya omniscient o all knowing gaya ng sabi sa Biblia:

Sirach 42:8
“Ang kagalang-galang na Diyos ay nakakaalam ng lahat ng bagay na dapat malaman”. (Sirach

Ang dahilan nila ay ang sinabi ni Cristo patungkol sa araw ng kanyang pagdating o ang paghuhukom, kung saan ay kanyang sinabi (ng tanungin siya kung alam ba niya ito):

Mateo 24:36
“Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].[a] Ang Ama lamang ang nakakaalam nito."

Marcos 13:32
"Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama."

Ayon sa kanila, hindi daw pala alam ni Cristo ang araw ng kanyang pagbabalik, therefore hindi siya maalam sa lahat ng bagay at hindi nga siya isang Diyos.

Pero ano ang tunay na sinasabi ng Biblia? Sila ba ang ating paniniwalaan base sa kanilang kuro-kuro o pala-palagay at maling pangangatwiran o ang salita ng Katotohanan?

Ang problema kasi sa mga ito ay gumagamit sila ng mga talata na tagpi-tagpi at putol-putol, dahil kung binuo sana nilang binasa ang kabanata ay naunawaan sana nila na si Cristo ay nagsasalita ng may wagas na pag-iingat:

Mateo 24:36-44
“Ngunit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit [o maging ang Anak man].[a] Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. 37 Ang pagdating ng Anak ng Tao ay tulad noong panahon ni Noe. 38 Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. 39 Hindi nila namamalayan ang nangyayari hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat. Gayundin ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. 40 Sa panahong iyon, may dalawang lalaking nagtatrabaho sa bukid, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 41 May dalawang babaing nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang isa at iiwan ang ikalawa. 42 Kaya't maging handa kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang inyong Panginoon. 43 Unawain ninyo ito: kung alam ng may-ari ng bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, siya'y maghahanda at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. 44 Kaya't lagi kayong maging handa, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Ayan, napakalinaw na ikinumpara ni Cristo ang pangyayari gaya ng panahon ni Noe kung saan biglaang dumating ang baha, ang mga tao ayon sa kanya ay abala sa kaniyang mga buhay, walang kamalay-malay sa pagdating ng baha na tatangay sa kanila.

Gaya din ng dalawang taong kukunin ang isa at iiwan ang isa, kaya nga sila ay sinabihan na maging handa dahil hindi nila alam ang mangyayari, ang oras at araw ng paghuhukom, ito ay sinabi ni Cristo para sila ay bigyang pahiwatig.

Pero bakit niya sinabi na hindi niya alam ang bagay na ito?

Nasagot na rin yan ni Cristo at kanya pa ngang sinabing iyon ay dapat nilang unawain, na ang isang may ari ng bahay, kapag alam ang oras na darating ang magnanakaw ay hindi niya ito hahayaang magtagumpay dahil nagbabantay ito, from this context ay malalaman nating, kahit ang isang magnanakaw ay hindi din sasabihin ang oras ng kanyang pagdating, sino ba namang magnanakaw ang gagawa ng ganon? Kung kaya ay sinabi ni Cristo na sila ay maging handa sapagkat hindi nila alam ang kanyang pagdating (gaya ng isang magnanakaw). At imposible na ang babalik ay hindi nakakaalam sa kanyang pagbabalik.

Bukod pa diyan ay may mga bagay talaga na sa Diyos lamang at hindi na kailangan pang alamin ng tao:

Deuteronomio 29:29
"Ang mga BAGAY na LIHIM ay nauukol sa Panginoon nating Dios: nguni’t ang mga bagay na hayag ay nauukol sa atin at sa ating mga anak magpakailan man, upang ating magawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito."

Ngayong nasagot na natin yan, alamin naman natin kung alam nga ba ni Cristo ang lahat ng bagay. Hindi na natin papaliguy-liguyin pa dahil ganito ang sabi ng Biblia:

Juan 16:30
”Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang LAHAT ng mga BAGAY, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil dito’y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios.”

Juan 21:17
“Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang LAHAT NG MGA BAGAY; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa."

Kita niyo na, maging ang mga alagad ay alam na si Cristo ay nalalaman ang lahat ng bagay, kung may mga bagay man na nasabing hindi niya alam, ito ay hindi dahil sa siya ay nagpakumbaba at nag-anyong alipin, nakitulad sa tao na may (limitadong alam) (Filpos 2:6-8) pero hindi yan ang case kundi ang pagpapakumbaba niya, hindi niya pinangunahan ang kanyang Ama.

Simpleng loholika lamang yan, halimbawa, hindi na ba maalam ang  Diyos sa lahat ng hanapin niya sina Adan at Eba? O ng tanungin niya si Cain kung nasaan si Abel etc? The fact is, may mga bagay talaga na nangangailangan ng pang-unawa, dahil kung hindi lalabas din na si Cristo lamang ang nakakaalam sa kanyang pagbabalik at hindi din pala nalalaman ng Ama:

Apocalipsis 19:12
"At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya'y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin."

Ayan, si Cristo po ang babalik at ayon sa talata ay siya lamang ang nakakaalam ng kanyang pangalan at wala ng iba, ngayon kokontra ito sa Biblia at sa argumento nila pag hindi talaga ginamitan ng pagsusuri sa kanilang hanay, ibig bang sabihin hindi din pala alam ng Ama ang lahat ng bagay gaya ng pangalan ng darating?

Kaya malinaw po ang pahayag ng katotohanan na magpapalaya sa kanila, at muli, buhat pa man noon ay naigupo ang mali nilang unawa.

#DiyosSiCristo
#OMNISCIENT

Please like and follow our pages:

CATHOLIC FAITH DEFENSE
CATHOLIC CHURCH BULLETIN AND EXPOSITIONS
APOLOGETICA
LAYKONG APOLOHISTA-CDBH
MGA SUMISIRA SA CATHOLIC CHURCH
WORD OF GOD
IN DEFENSE OF TRUTH
KULTO: IGLESIA NI MANALO

No comments:

Post a Comment