Ayon sa mga tumututol sa pagkaDiyos ng Panginoong Hesus at sa Trinidad, ang 1 Corinto 8:6 daw ang isa sa pinakamatibay na ebidensya na ang Persona laman ng Ama ang iisang Diyos ayon sa Biblia. Ganito ang sabing naturang talata:
"Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya." 1 Corinto 8:6
Kung tutuusin, mukhang tama sila kung hindi natin uunawain ng husto ang nasabing talata. Pero kung pag-aaralan ay malinaw na ang nasabing talata ay isang malakas pa nga na patunay sa Trinidad at sa pagkaDiyos ng ating Panginoong Hesukristo.
Dito ay aking ilalahad ang mga argumento kung bakit nasabi nating mali ang kanilang katwiran.
I. 👉Balangkas ng pagkakasulat
Umpisahan natin sa pagkasulat ng nasabing talata. Simplehan nalang natin ang pag-analisa sa sinasabi nito.
Kung babasahin ay tila sinasabi nga ng talata na iisa lamang ang Diyos at ito'y ang Ama lamang. Pero kung mapapansin, ang talat ay nakasentro sa mga persona ng Diyos at sa kanilang mga gawain. Dito ayuda tinutukoy ang Ama, at ang Anak.
"Sa ganang atin ay may IISANG DIYOS LAMANG, ANG AMA, NA BUHAT sa kanya ang LAHAT NG BAGAY..."
Ayon sa talata, may IISANG DIYOS LAMANG, ihiniwalay ito ng isang Comma[,], ang AMA(Persona), na buhat(Galing) sa kanya(AMA) ang lahat ng bagay.
Kita niyo po? Sa atin ay may IISANG DIYOS LAMANG (AMA, ANAK, ESPÍRITU SANTO), tapos tinukoy ng talata una ang Ama, na sa kanya ay mula ang lahat ng bagay.
Totoo naman po na sa Ama buhat ang lahat ng bagay, dahil siya ang Diyos na manlilikha. Tinutukoy sa talatang iyan na may IISANG DIYOS, at ang AMA ay ang IISANG DIYOS (Dahil Diyos nga ang kanyang kalikasan) na LUMIKHA ng lahat ng ng bagay. Iisang Diyos lang naman po ang lumikha:
"Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa" Genesis 1:1
"Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin? Kung gayo'y bakit nagtataksil tayo sa isa't isa at nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno?" Malakias 2:10
IISA LAMANG ANG PERSONA NG AMA. HINDI DALAWA. Kaya nga iisa siyang DIYOS AMA, at IISANG AMA NA LUMIKHA.
Hindi naman po pwedeng dalawa ang AMA na LUMIKHA, ang ANAK at ESPÍRITU SANTO ay mga LUMIKHA din (Hebreo 1:10, Job 33:4), pero ang bawat Persona ay Distinct o magkakaiba sa isa't-isa, kaya nga tama na iisa lamang ang Ama na lumikha.
Dahil si Cristo, ang DIYOS na TAGAPAGLIGTAS naman (Titus 2:13), na siyang nag-iiba ng kanyang Persona sa Persona ng Ama.
Halimbawa: Sa ganang atin ay may iisang Bansa lamang, ang Luzon, na siyang pinakamalaking pulo ay ang una, at iisang pulo, ang Mindanao, na siyang huli at pangatlong pulo nito.
Nakuha po ba natin?
II. 👉Kung iisa ang Diyos sa talata, iisa din pala ang Panginoon at si Cristo lamang?
Kung atin pong susundan ang talata, ay sinasabi na may iisang Diyos, at may iisa din namang Panginoon. Kung ating sasakyan ang kanilang argumentong butas, ibig sabihin pala ay hindi na rin Panginoon ang Ama?
Malinaw po sa Biblia, tayo ay may IISANG PANGINOON lamang, hindi dalawa o kaya at tatlo:
"Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo,"
Efeso 4:5
"Mga amo, maging mabait kayo sa inyong mga alipin at huwag silang pagbabantaan. Huwag ninyong kalilimutan na kayo'y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit, at siya'y walang itinatangi."
Efeso 6:9
"Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon" Deuteronomio 6:4
Kita niyo, iisa lamang po ang Panginoon, at wala ng iba. Kaya kung sa talatang 1 Corinto 8:6 ay sasabihin nilang iisa ang Diyos, edi sa mismong talat ay iisa din lang ang Panginoon?
Katwiran nila:
"Ang Ama ay likas na Diyos, samantalang si Cristo ay ginawang Panginoon. Iisa lang ang likas ay iisa ang ginawa. "
“Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!” Gawa 2:36
Sagot natin:
Mali, ang sinasabing ginawa siyang Panginoon ay ang kanyang pagkahayag bilang Panginoon (to made manifest).
1. Kung si Cristo ay ginawang Panginoon, ibig sabihin ay dalawa pala ang Panginoon at hindi iisa?
2. Saan sa Biblia na may Panginoon na likas at isang Panginoon na hindi likas o ginawa lang?
3. Kung si Cristo ay ginawang Panginoon ibig bang sabihin ay maging ang Ama ay ginawa si Cristo na Panginoon niya sa Hebreo 1:8, 10 kung saan tinawag ng Ama ang Anak na Panginoon?
"Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan."
"Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan."" Hebreo 1:8,10
4. Kung si Cristo ay ginawang Panginoon, at ang Ama ay Panginoon din, si Cristo kung ganoon ang Panginoon ng Ama, dahil si Cristo ang Panginoon ng mga panginoon?
"Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.” Pahayag 19:16
5. Bago pa isilang si Cristo ay nakita na ni David na siya ay Panginoon (Awit 110:1).
"Sinabi ni Yahweh, sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.” Awit 110:1
6. Sa Bayang Israel lang ba naging Panginoon si Cristo?
Kaya Panginoon na siya mula pa noon, at hindi lang ginawang Panginoon.
III. 👉Si Cristo ay iisa sa Ama.
Si Cristo at ang Ama ay iisang Diyos, iisa ang Nature nila o Kalikasan, kaya kahit ang Ama ang itukoy at ipakahulungan nilang Diyos na iisa sa 1 Corinto 8:6 ay kasama si Cristo doon. Sapat si Cristo na mismo ang nagsabi:
"Ako at ang Ama ay iisa.” Juan 10:30
"Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nasa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain.
Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko." Juan 14:10-11
Kaya wala tayong probablema sa naturang talata.
IV. 👉Si Cristo ay Diyos ayon sa talata, sapagka’t sa kanya tayo ay nalikha at nabubuhay.
Sino ba ang dahilan kaya tayoay nalikha at nabubuhay? Si Cristo po dahil siya ang nagbibigay buhay.
"Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.
Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay."
Juan 6:35,48
Siya ang salita ng Diyos na kasama na niya at sa pamamagitan niya ay nalikha ang lahat ng bagay at may buhay tayo, siya din ang ilaw.
" Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;
ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga."" Genesis 1:1-3
Note na dito sa Genesis 1:1-3 ay NAGSALITA ang Diyos para may malikha.
Kaya nga ganito ang sinabi ni Juan:
"Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos.
Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha
sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan." Juan 1:1-4
Si Cristo parin iyong Salita:
" Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa'y siya na, ang Salitang nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan." 1 Juan 1:1
Patotoo ni Pablo:
" Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha.
Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya." Colosas 1:15-16
Mapapansin sa Genesis 1:3 na nagkaroon ng ILAW, at ganito din ang sabi ni Juan:
"Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo patungkol sa ilaw.
Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao."
Juan 1:5,8-9
Ang Diyos ay Ilaw:
" Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw at walang anumang kadiliman sa kanya."
1 Juan 1:5
Kaya malinaw na si Cristo ay Diyos din aa talatang 1 Corinto 8:6, at mas mainam na iyon ay ginamit para maiwasan ang redundancy.
V. 👉Ang "contrast" kasi ng talata ay patungkol sa mga diyus-diyosan at sa tunay na Diyos.
Malinaw kung ating kukunin ang mas malawak na konteksto ay pumapatungkol pala ang nasabing talata sa pagitan ng mga DIYUS-DIYOSAN at sa TUNAY NA DIYOS at mga PEKENG PANGINOON at sa TUNAY NA PANGINOON:
"[4]Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga DIYUS-DIYOSAN ay larawan ng mga bagay na DI-TOTOO, at alam nating iisa lamang ang Diyos.
[5]Kahit na may tinatawag na “MGA DIYOS” sa langit at sa lupa, at ang mga tinatawag na “MGA DIYOS” at “MGA PANGINOON” ay marami,
[6]SUBALIT PARA SA ATIN AY IISA LAMANG ANG DIYOS, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. IISA ANG PANGINOON, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.
[7]Subalit hindi lahat ay nakakaalam nito. May mga taong nasanay na sa pagsamba sa mga diyus-diyosan noong una, kaya't hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng ganoong pagkain, inaakala pa rin nila na iyon ay handog sa diyus-diyosan. Dahil kulang pa ang kanilang kaalaman, ang akala nila'y nagkasala sila kapag kumain sila niyon."
1 Corinto 8:4-7
Kaya ang contrast ay makikita natin sa mga talatang 4 at 5 laban sa talatang 6 na pumapatungkol na tunay at iisang Diyos at Panginoon.
VI. 👉 Si Cristo ay Diyos gaya ng Ama.
"Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama." Juan 1:1,18
Tinawag siyang Diyos ng Ama:
"Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan." Hebreo 1:8
VII. 👉 WALANG SINABI SA TALATA NA SI CRISTO AY HINDI DIYOS.
Muli ay napatunayan na naman nating si Cristo nga ay tunay na Diyos batay sa Talatang 1 Corinto 8:6.
Diyos si Cristo!

No comments:
Post a Comment