Sabi ng mga kaibigan nating tinatakwil ang PAGKADIYOS ng ating Panginoong Hesukristo, malabo daw na DIYOS siya sapagka't mas MATAAS ang AMA sa kanya, therefore pag sinabing mas mataas o mas dakila ay pinapawalang saysay nito ang PAGKAPANTAY nila bilang mga PERSONA ng SANTISIMA TRINIDAD.
Ating suriin ng kaunti ang nasabing talata.
Juan 14:28: “Sinabi ko na sa inyo, ‘Ako’y aalis, ngunit ako’y babalik.’ Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, SAPAGKAT HIGIT NA DAKILA ANG AMA KAYSA SA AKIN.”
Ayan, tahasan daw na sinabi ni Cristo na mas DAKILA ang kanyang AMA sa kanya. Therefore hindi siya Diyos at mas lalong hindi kapantay ng Ama.
PERO, ano ang tunay na patotoo patungkol dito?
Bilang TAONG NAGSASAYSAY ng KATOTOHANAN, at bilang PARAAN ng PAGPAPAKUMBABA ay hindi niluklok ni Cristo ang sarili bilang isang MATAAS na nilalang. Ito ang tinatawag nating "KENOSIS" bagay na ayaw tanggapin ng mga INCM at JW.
Ganito ang sabi ng Biblia:
Filipos 2:[6] Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
[7]Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao,
[8]nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
Sa 2:6 Ay mapapansin ang mga ito:
1. Bagama't tunay siyang DIYOS,
2. Hindi NAGPUMILIT na maging KAPANTAY ng DIYOS.
Ibig sabihin, may nakalaan na palang PAGKAPANTAY sa kanya, ngunit HINDI LAMANG NIYA ITO SINAMANTALA, bagkus ay NAGPAKUMBABA siya at HINUBAD niya ito...
Kaya pala nasabi ni CRISTO sa JUAN 14:28 na mas dakila ang kanyang AMA, sapagka't HINDI NGA NIYA IPINAGPILITANG MAKIPANTAY DITO...
In short, NAGPAKUMBABA.
Bilang ganti ay ano ang nangyari?
Filipos 2:[9]At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
[10]Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.
Ayon naman pala. Pero take note kung kailan ibinigay sa kanya yan hah.
Balik tayo sa JUAN 14:28
Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia, sinabi man ito ni Cristo ay hindi ito dahilan upang itakwil ang kanyang PAGKADIYOS sapagkat sa KONTEXTO nito, si CRISTO ay nagsasalita patungkol sa kanyang OFFICE o KATUNGKULAN hindi sa kanyang PAGIGING PERSONA. Kung kaya sa pagkakasabi niyan ay napapalitaw na mas mataas ang katungkulan ng Ama kaysa sa kanya. Ngunit sa PAGKADIYOS ay magkapantay lamang sila. At kung susuriin ang nasa TALATA ay hindi naman sinabi ni Cristo na mas mataas ang Ama sa PAGKADIYOS.
Ganyan din exegetical commentary ng isang dalubhasa patungkol sa talata:
John 14:28
"In this context, it is obvious that Jesus is speaking with reference to his office, not his person. That is, the Father has great rank, but the Son is no less deity than is the Father. "(Greek Grammar Beyond the Basics by Daniel Wallace, Page 111)
At sinasang-ayunan ito ng isa pang dalubhasa na nagbigay pa ng malinaw at angkop na paliwanag:
" The Father is greater than the son by office, but not by nature, since both are God. Just as an earthly father is equally human with, but holds a higher office than, his son, even so the Father and the Son in the trinity are equal in essence, but different in function. "(The Big Book of Bible Difficulties, Page 420)
Na sinuportahan pa ng ilan:
"At a popular level, this clause is often cited, out of context, by modern arians who renew the controversy from the early centuries that is connected with the name of Arius. In the clause before us, the father is greater that I cannot be taken to mean that Jesus is not God, or that he is a lesser God; the historical context of Jewish monotheism forbids the latter, and the immediate literary context renders the former irrelevant" (The Gospel According to John by D.A. Carson, Page 507)
Malinaw kung ganon na ang paggamit ng mga MODERN ARIANS at Hudyo gaya ng mga INCM ay OUT OF CONTEXT lamang, o sabihin na nating winalang unawa nalang para sa kaangkupan ng kanilang pananaw.
Bigyan natin ng halimbawa:
Ang ISANG tao ay may AMA, ang Ama nito ay ang Presidente ng KUMPANYA at ang ANAK naman ay MANAGER ng nasabing KUMPANYA. ANG dalawa ay magka-iba ng katungkulan o OFFICE, at di hamak na MAS MATAAS ang AMA sa pagiging isang PRESIDENTE kumpara sa ANAK bilang MANAGER... pero, when it comes sa PAGIGING TAO... sila ay PANTAY AT PAREHO.
Sana ay maunawaan nila at huwag magbulagbulagan sa katotohanan.
#ChristIsGod
#CATHOLIC

No comments:
Post a Comment