Thursday, February 13, 2020

✝️SI CRISTO AT ANG 1 TIMOTEO 1:17✝️ (SI CRISTO BA AY HINDI DIYOS DAHIL HINDI SIYA WALANG HANGGAN, NAKIKITA, ETC?)



-Humphsky Rey

🤔Ayon sa mga hindi naniniwalang ang Panginoong Hesus ay isang tunay at likas na Diyos, isang patunay daw ang talatang 1 Timoteo 1:17 na si Cristo ay hindi Diyos  sapagkat ito ang sinasabi ng naturang talata:

✔️"Purihin natin at luwalhatiin magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita! Amen."
(1 Timoteo 1:17, MBB)

😇Ayan, malinaw daw na sinasabi sa talata na ang Diyos ay walang kamatayan, walang hanggan at pupurihin magpakailanman. Ang ilan sa mga bagay na tinukoy ay kontra umano sa pagiging Diyos ni Cristo. Pero, pasado nga ba ang Panginoon sa talatang iyan? Yan ang ating aalamin.

🙏Una, sa talatang iyan ay binanggit ang isang "HARING WALANG HANGGAN" bilang patungkol sa Diyos, eh si Hesukristo kaya ganon din ba ayon sa Biblia? Ang sagot ay makikita din natin sa Biblia na nagsasabi ng ganito:

✔️“SIYA’Y MAGIGING DAKILA AT TATAWAGING ANAK ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang [33] maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. ANG KANYANG PAGHAHARI AY PANGWALANG HANGGAN.” (Lucas 1:32-33, MBB)

😅Ayun, malinaw naman pala na ang Panginoong Hesus ay walang hanggang maghahari, sa makatuwid ay HARING WALANG HANGGAN!

🙏Ikalawa, binanggit din sa talata ng 1 Timoteo 1:17 na ang Diyos ay "HINDI NAKIKITA" pasado naman kaya dito si Cristo? Alamin ulit natin gamit ang Biblia:

✔️ "...sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni JESUCRISTO: [8] NA HINDI NINYO NAKITA ay inyong iniibig; na BAGAMA'T NGAYON AY HINDI NINYO SIYA NAKIKITA, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan..." (1 Pedro 1:7-8, AB)

😄Malinaw na naman ang patotoo ng Biblia, nakapagtataka at may mga tao talagang hindi naniniwala at patuloy na nagbubulag-bulagan.

🙏Pangatlo, sinabi din sa talatang ginamit na ang Diyos ay dapat "purihin at luwalhatiin magpakailanman", angkop kaya ito kay Cristo? Ganito ang patotoo ng banal na kasulatan:

✔️“Sa halip, pagsikapan ninyong lumago sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si JESU-CRISTO. SA KANYA ANG KALUWALHATIAN NGAYON AT MAGPAKAILANMAN! Amen." (2 Pedro 3:18, FSV)

✔️“...na malakas na umaawit, “Ang pinaslang na KORDERO[Jesus] AY KARAPAT-DAPAT NA TUMANGGAP NG kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, KALUWALHATIAN, AT KAPURIHAN!” (Pahayag 5:12, FSV)

🤔THEREFORE, kung iisipin natin gamit ang lohika at common sense, ang Panginoong Hesukristo ay Diyos ayon na mismo sa ginagamit na talata ng mga Iglesia ni Manalo at ng mga Witness ni Russel, hindi nila mabatid ang mensahe nito dahil sa literal na unawa nila at sa kadahilanang ayaw nilang unawain dahil sa pride at pagkabulag sa kanila ng kanilang ama sa mundong ito!

😇Pero gaano man nila iwasan ang katotohanan, hindi na nila ito mababago, tanging mga may mahihinang pananampalataya lamang ang kaya nilang iligaw sa tunay at dalisay na pananampalataya na si Cristo, ang ating Panginoon ay tunay na Diyos!

Immortal, forever and praiseworthy!!!

#DIYOSSICRISTO!