Tuesday, September 1, 2020

SI CRISTO AT ANG 1 CORINTO 8:6| Hindi ba Diyos si Cristo ayon sa naturang talata? By Humphsky Rey




Ayon sa mga tumututol sa pagkaDiyos ng Panginoong Hesus at sa Trinidad, ang 1 Corinto 8:6 daw ang isa sa pinakamatibay na ebidensya na ang Persona laman ng Ama ang iisang Diyos ayon sa Biblia. Ganito ang sabing naturang talata:


"Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya." 1 Corinto 8:6


Kung tutuusin, mukhang tama sila kung hindi natin uunawain ng husto ang nasabing talata. Pero kung pag-aaralan ay malinaw na ang nasabing talata ay isang malakas pa nga na patunay sa Trinidad at sa pagkaDiyos ng ating Panginoong Hesukristo.


Dito ay aking ilalahad ang mga argumento kung bakit nasabi nating mali ang kanilang katwiran.


I. 👉Balangkas ng pagkakasulat


Umpisahan natin sa pagkasulat ng nasabing talata. Simplehan nalang natin ang pag-analisa sa sinasabi nito.


Kung babasahin ay tila sinasabi nga ng talata na iisa lamang ang Diyos at ito'y ang Ama lamang. Pero kung mapapansin, ang talat ay nakasentro sa mga persona ng Diyos at sa kanilang mga gawain. Dito ayuda tinutukoy ang Ama, at ang Anak.


"Sa ganang atin ay may IISANG DIYOS LAMANG, ANG AMA, NA BUHAT sa kanya ang LAHAT NG BAGAY..." 


Ayon sa talata, may IISANG DIYOS LAMANG, ihiniwalay ito ng isang Comma[,], ang AMA(Persona), na buhat(Galing) sa kanya(AMA) ang lahat ng bagay.


Kita niyo po? Sa atin ay may IISANG DIYOS LAMANG (AMA, ANAK, ESPÍRITU SANTO), tapos tinukoy ng talata una ang Ama, na sa kanya ay mula ang lahat ng bagay.


Totoo naman po na sa Ama buhat ang lahat ng bagay, dahil siya ang Diyos na manlilikha. Tinutukoy sa talatang iyan na may IISANG DIYOS, at ang AMA ay ang IISANG DIYOS (Dahil Diyos nga ang kanyang kalikasan) na LUMIKHA ng lahat ng ng bagay. Iisang Diyos lang naman po ang lumikha:


"Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa" Genesis 1:1


"Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin? Kung gayo'y bakit nagtataksil tayo sa isa't isa at nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno?" Malakias 2:10


IISA LAMANG ANG PERSONA NG AMA. HINDI DALAWA. Kaya nga iisa siyang DIYOS AMA, at IISANG AMA NA LUMIKHA.


Hindi naman po pwedeng dalawa ang AMA na LUMIKHA, ang ANAK at ESPÍRITU SANTO ay mga LUMIKHA din (Hebreo 1:10, Job 33:4), pero ang bawat Persona ay Distinct o magkakaiba sa isa't-isa, kaya nga tama na iisa lamang ang Ama na lumikha.


Dahil si Cristo, ang DIYOS na TAGAPAGLIGTAS naman (Titus 2:13), na siyang nag-iiba ng kanyang Persona sa Persona ng Ama.


Halimbawa:  Sa ganang atin ay may iisang Bansa lamang, ang Luzon, na siyang pinakamalaking pulo ay ang una, at iisang pulo, ang Mindanao, na siyang huli at pangatlong pulo nito.


Nakuha po ba natin?


II. 👉Kung iisa ang Diyos sa talata, iisa din pala ang Panginoon at si Cristo lamang?


Kung atin pong susundan ang talata, ay sinasabi na may iisang Diyos, at may iisa din namang Panginoon. Kung ating sasakyan ang kanilang argumentong butas, ibig sabihin pala ay hindi na rin Panginoon ang Ama?


Malinaw po sa Biblia, tayo ay may IISANG PANGINOON lamang, hindi dalawa o kaya at tatlo:


"Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo," 

Efeso 4:5


"Mga amo, maging mabait kayo sa inyong mga alipin at huwag silang pagbabantaan. Huwag ninyong kalilimutan na kayo'y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit, at siya'y walang itinatangi." 

Efeso 6:9


"Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon" Deuteronomio 6:4


Kita niyo, iisa lamang po ang Panginoon, at wala ng iba. Kaya kung sa talatang 1 Corinto 8:6 ay sasabihin nilang iisa ang Diyos, edi sa mismong talat ay iisa din lang ang Panginoon?


Katwiran nila:


"Ang Ama ay likas na Diyos, samantalang si  Cristo ay ginawang Panginoon. Iisa lang ang likas ay iisa ang ginawa. "


“Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!” Gawa 2:36


Sagot natin:


Mali, ang sinasabing ginawa siyang Panginoon ay ang kanyang pagkahayag bilang Panginoon (to made manifest).


1. Kung si Cristo ay ginawang Panginoon, ibig sabihin ay dalawa pala ang Panginoon at hindi iisa?


2. Saan sa Biblia na may Panginoon na likas at isang Panginoon na hindi likas o ginawa lang?


3. Kung si Cristo ay ginawang Panginoon ibig bang sabihin ay maging ang Ama ay ginawa si Cristo na Panginoon niya sa Hebreo 1:8, 10 kung saan tinawag ng Ama ang Anak na Panginoon?


"Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan." 

"Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan,  at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan."" Hebreo 1:8,10


4. Kung si Cristo ay ginawang Panginoon, at ang Ama ay Panginoon din, si Cristo kung ganoon ang Panginoon ng Ama, dahil si Cristo ang Panginoon ng mga panginoon?


"Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.” Pahayag 19:16


5. Bago pa isilang si Cristo ay nakita na ni David na siya ay Panginoon (Awit 110:1).


"Sinabi ni Yahweh, sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.” Awit 110:1


6. Sa Bayang Israel lang ba naging Panginoon si Cristo?


Kaya Panginoon na siya mula pa noon, at hindi lang ginawang Panginoon.


III. 👉Si Cristo ay iisa sa Ama. 


Si Cristo at ang Ama ay iisang Diyos, iisa ang Nature nila o Kalikasan, kaya kahit ang Ama ang itukoy at ipakahulungan nilang Diyos na iisa sa 1 Corinto 8:6 ay kasama si Cristo doon. Sapat si Cristo na mismo ang nagsabi:


"Ako at ang Ama ay iisa.” Juan 10:30


"Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nasa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain.

Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko."  Juan 14:10-11


Kaya wala tayong probablema sa naturang talata.


IV. 👉Si Cristo ay Diyos ayon sa talata, sapagka’t sa kanya tayo ay nalikha at nabubuhay. 


Sino ba ang dahilan kaya tayoay nalikha at nabubuhay? Si Cristo po dahil siya ang nagbibigay buhay.


"Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.

Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay."

Juan 6:35,48


Siya ang salita ng Diyos na kasama na niya at sa pamamagitan niya ay nalikha ang lahat ng bagay at may buhay tayo, siya din ang ilaw.


" Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa;

ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.

Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga."" Genesis 1:1-3


Note na dito sa Genesis 1:1-3 ay NAGSALITA ang Diyos para may malikha.


Kaya nga ganito ang sinabi ni Juan:


"Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.

Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos.

Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha

sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan." Juan 1:1-4


Si Cristo parin iyong Salita:


" Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa'y siya na, ang Salitang nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan." 1 Juan 1:1


Patotoo ni Pablo:


" Si Cristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha.

Sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga espirituwal na kapangyarihan, paghahari, pamamahala, at pamumuno. Ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya." Colosas 1:15-16


Mapapansin sa Genesis 1:3 na nagkaroon ng ILAW, at ganito din ang sabi ni Juan:


"Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.

Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo patungkol sa ilaw.

Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao."

Juan 1:5,8-9


Ang Diyos ay Ilaw:


" Ito ang aming narinig sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw at walang anumang kadiliman sa kanya."

1 Juan 1:5


Kaya malinaw na si Cristo ay Diyos din aa talatang 1 Corinto 8:6, at mas mainam na iyon ay ginamit para maiwasan ang redundancy.


V. 👉Ang "contrast" kasi ng talata ay patungkol sa mga diyus-diyosan at sa tunay na Diyos.


Malinaw kung ating kukunin ang mas malawak na konteksto ay pumapatungkol pala ang nasabing talata sa pagitan ng mga DIYUS-DIYOSAN at sa TUNAY NA DIYOS at mga PEKENG PANGINOON at sa TUNAY NA PANGINOON:


"[4]Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga DIYUS-DIYOSAN ay larawan ng mga bagay na DI-TOTOO, at alam nating iisa lamang ang Diyos.


[5]Kahit na may tinatawag na “MGA DIYOS” sa langit at sa lupa, at ang mga tinatawag na “MGA DIYOS” at “MGA PANGINOON” ay marami,


[6]SUBALIT PARA SA ATIN AY IISA LAMANG ANG DIYOS, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. IISA ANG PANGINOON, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.


[7]Subalit hindi lahat ay nakakaalam nito. May mga taong nasanay na sa pagsamba sa mga diyus-diyosan noong una, kaya't hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng ganoong pagkain, inaakala pa rin nila na iyon ay handog sa diyus-diyosan. Dahil kulang pa ang kanilang kaalaman, ang akala nila'y nagkasala sila kapag kumain sila niyon."

1 Corinto 8:4-7


Kaya ang contrast ay makikita natin sa mga talatang 4 at 5 laban sa talatang 6 na pumapatungkol na tunay at iisang Diyos at Panginoon.


VI. 👉 Si Cristo ay Diyos gaya ng Ama.


"Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.

Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama." Juan 1:1,18


Tinawag siyang Diyos ng Ama:


"Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man,  ikaw ay maghaharing may katarungan." Hebreo 1:8


VII. 👉 WALANG SINABI SA TALATA NA SI CRISTO AY HINDI DIYOS.


Muli ay napatunayan na naman nating si Cristo nga ay tunay na Diyos batay sa Talatang 1 Corinto 8:6.


Diyos si Cristo!


SI CRISTO AT ANG JUAN 8:40: HINDI NA BA DIYOS SI CRISTO DAHIL SINABI NIYA NA SIYA AY TAO? By Humphsky Rey




Ayon sa mga tumututol sa pagkaDiyos ang ating Panginoong Hesus, hindi daw pwedeng maging Diyos si Cristo sapagka’t sa Bible ay kanyang inamin mismo na siya ay isang tao. Katunayan, isa sa pinakaginagamit nilang talata ay ang Juan 8:40 na ganito ang sinasabi:


"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham." Juan 8:40


Ayan, malinaw daw na sinabi ni Cristo na siya ay tao kaya nga hindi daw siya Diyos.


Pero, para sa ating mga Katoliko, wala namang problema kung sabihin ni Cristo na siya ay tao, at kung si Cristo ay tao ayon sa mga talata ng Biblia. Sapagka't naniniwala tayon na si Cristo ay tunay na tao pero tunay din namang Diyos. Sapagka’t siya bilang isang Divine Person, o ang Pangalawang Persona ng Trinity ay nagtataglay ng dalawang Kalikasan, ang pagkaTao at ang pagkaDiyos, ang dalawang ito ay puspos sa kanya, magkaiba pero hindi mapaghihiwalay.


Now, noon bang sinabi ni Cristo na siya ay tao ay ibig bang sabihin hindi na siya Diyos? Hindi po. Dahil noon mga panahong iyon ay tunay na nasumpungan siya sa kalagayang tao. Dahil siya ay naging isang tao:


"Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.

Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan." Juan 1:1,14


Iyan po ang tinatawag nating Incarnation o ang pagkakaroon ng laman ng Diyos. Siya ay nag-anyong tao at nagpakababa, hinubad niya ang kanyang pagiging kapantay sa Diyos at nakitulad sa isang alipin, ganito ang sabi ni San Pablo:


" Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.

Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.

Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao,

nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus."

Filipos 2:5-8


Ayon, malinaw po na si Cristo ay nagpakababa, kaya nga pinapayuhan din tayo ni San Pablo na tularan si Cristo sa kanyang pagpapakumbaba. Na dahil dito'y hinubad niya ang kanyang pagkakapantay sa Diyos at nakitulad sa tao at alipin, iyan ng tinatawag na Kenosis. At palibhasa siya ay nasumpungan sa anyong tao ay naging masunurin hanggang kamatayan.


Iyan po ay tanda ng labis na pagmamahal ng Diyos sa atin, kaya niyang ibigay ang buhay niya para sa ating mga tupa niya.


“Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa."

Juan 10:11


Kung kaya dahil sa pagpapakumbaba na iyon ay natural lamang na akuin ni Cristo ang kanyang pagiging tao, taong nauuhaw, nagugutom, nahihirapan, nasasaktan, namamatay. Dahil hindi niya kailanman ipinangalandakan na siya ay isa ding Diyos. Oo nga naman, ano pang magiging saysay ng kanyang pagpapakumbaba kung siya ay maghahayag na siya ay isang Diyos? Magiging kontra po iyon sa Biblia.


Isa pa, si Cristo ay naging tao upang magbigay halimbawa sa atin, hindi naman pwedeng ang Diyos mismo ang maging halimbawa natin, tayong mga tao ay walang kakayahan na gayahin ang halimbawa ng Diyos, nararapat na siya ay maging tao upang maging modelo ng sangkatauhan.


"Dahil akong Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong gawin ito sa isa't isa.

Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan." Juan 13:14-15


"Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan." 1 Pedro 2:21


Malinaw po iyan.


Isa pa pong halimbawa ay naging tao siya upang kanyang malasap ang kalagayan nating mga tao na naririto sa mundo gaya ng tukso:


" Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Diyos. Siya'y walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos.

Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala.

Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan." Mga Hebreo 4:14-16


Kaya nalalaman ni Cristo ang ating kahinaan at kalagayan.


Gayundin naman, siya ay naparito upang maglingkod at sirain ang gawain ng Diablo.


" Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.” Mateo 20:28


"Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y gumagawa na ng kasalanan ang diyablo. Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo."

1 Juan 3:8


At upang ang mundo ay muling maiayos ang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng kabayarang ginawa niya sa ating mga kasalanan.


" Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito.

Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos."

2 Corinto 5:19, 21


"Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.” Marcos 10:45


Sadyang napakataas ng Diyos, hindi natin siya kayang arukin, pero sa kabila nito ay naging mapangahas ang tao at tila naglagay ng putik sa ulo ng Diyos. Nakagawa ang tao ng bagay na kasuklam-suklama na hindi kailanman niya mababayaran kahit lahat ng tao ay magbuhos ng kanilang dugo. Napakataas ng Diyos, isipin kung paanong insulto na lamang ang ginawa ng tao sa kanya. At dahil nga sa hindi ito kayang bayaran ng anumang sakripisyo ng tao ay ibinigay niya ang kanyang Anak na isa ding Diyos na iisa sa kanya upang siyang magbayad nito. Sapagka’t tanging Diyos lamang na gaya niya ang kanyang magbayad at umayos ng insultong ibinigay ng taong napakababa.


"Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao."

1 Juan 2:2


"kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya ang korderong walang batik at kapintasan." 1 Pedro 1:19


"Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganoong mga handog, wala na sana silang dapat alalahanin, at hindi na sila kailangang mag-alay pang muli.

Ngunit ang mga alay na ito ang nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan taun-taon,

sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing ay hindi makakapawi ng mga kasalanan.

Dahil diyan, nang si Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos: “Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog, at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan. Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog.

At dahil sinunod niya ang kalooban ng Diyos, tayo ay ginawang banal ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng minsanan at sapat na paghahandog ng kanyang sarili.

Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at naghahandog ng ganoon ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan.

Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa mga kasalanan, at pagkatapos ay umupo na sa kanan ng Diyos.

Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga pinaging-banal ng Diyos."

Mga Hebreo 10:2-5,10-12,14


Gayunpaman, kahit na si Cristo ay naging tao, hindi naalis sa kanya ang pagiging isang tunay na Diyos.


"Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak" Colosas 1:19


At since nanatili sa kanya ang kalikasan ng Diyos, ay nasa kanya ang buong kapuspusan nito kahit na nag-anyo siyang tao.


"Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya'y nagkatawang-tao." Colosas 2:9


Tungkol naman aa katanungan kung bakit hindi inihayag ni Cristo ng direkta na siya ay Diyos, iyon po ay dahil nagpakumbaba siya, kaya nga para hindi maging "self-service" ay ganito ang mismomg sinabi ni Cristo:


“Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang patotoo ko ay walang katotohanan.

Ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi." Juan 5:31-32


Malinaw, hindi na kailangan pa ni Cristo na ipakilala ang kanyang sarili bilang Diyos dahil may mga iba na palang magpapatotoo sa kanya. Sapagka't kung siya lamang nga naman ang magsasabi sa sarili niya ay tila baga nagsasarili siya at walang maniniwala aa kanya. Sa Bible po kasi ay kailangan ng tinatawag na "witnesses" o mga saksi sa iyo upang masabi na ang iyong sinasabi ay may katotohanan.


Gayunpaman isa ding rason ay hindi naparito si Cristo para ipakilala ang kanyang sarili kundi ang kanyang Ama:


"Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama." Juan 1:18


Now, alamin din natin kung sino ang mga ibang magpapatotoo sa pagkaDiyos ni Cristo, narito ang ilan sa kanila:


Sa Lumang Tipan palang ay ipinapakilala na sa atin si Propeta Isaias kung sino si Cristo:


" Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan." Isaias 9:6


"Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel." Isaias 7:14


Malinaw po ang pagpapakilala ni Isaias, eh sino bo ba iyang bata na iyan?


“Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’”(Ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos” Mateo 1:23


Si Cristo po.


"Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay kabuwanan na.

Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan." Lucas 2:5,7


Dumako naman tayo sa Bagong Tipan, ano ang patotoo ng mga alagad ni Cristo sa kanya?


Unahin na natin ang isa sa kanyang Apostol na pinakamamahal na si San Juan:


" Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.

Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama." Juan 1:1,14,18


Malinaw pong pinatutunayan ni San Juan na si Cristo nga ay isang tunay na Diyos. Siya ang Salita na umiral na bago lalangin ang daigdig, sa kanya nalikha ang lahat ng bagay, naging tao siya.


At dito parin sa Evangelio ni San Juan ay isa pang Apostol ang naghayag ng kanyang pananampalataya, isang natatanging Doxologia naman ang inihayag ni Santo Tomas ng kanyang sinabi kay Cristo:


"Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”

Juan 20:28


Isang napakalakas na paghahayag ng pananampalataya ang kanyang binitawan. Si Cristo nga ay tunay na Diyos at Panginoon.


Now, tanungin din natin ang isa sa mga oinakatanyag na Apostol ni Cristo, siya ay walang iba kundi si Apostol Pablo, kung ano ang kanyang masasabi bukod sa Filipos 2:5-8, at Colosas 2:9, ganito ang sinabi niya:


"habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo." Tito 2:13


At kanya pa itong sinundan,


"Nahayag ito na may katiyakan. Ang hiwaga ng pagkamaka-Diyos ay dakila: Nahayag sa laman ang Diyos. Inihayag ng Espiritu na siya ay matuwid. Nakita siya ng mga anghel. Ipinangaral siya sa mga Gentil. Sinampalatayanan siya ng sanlibutan. Tinanggap siya sa kaluwalhatian." 1 Timoteo 3:16


Tanungin din natin ang ating unang Santo Papa kung ano ang kanyang pagpapatotoo kay Cristo, walang iba kundi si San Pedro:


" Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo—Para sa inyong lahat na tulad nami'y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo." 2 Pedro 1:1


Malinaw na sinasabi sa atin ni Apostol San Pedro na si Cristo nga ay ang ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas.


Upang makumpleto ito ay atin naman tanungin mismo ang Ama, kung ano ang kanyang patotoo sa Anak, ganito ang sinasabi:


" Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan." Mga Hebreo 1:8


Malinaw po na mismong ang Ama na ang tumawag kay Cristo bilang Diyos. Ito ay isang katotohanan na ang Anak ay iisa ang kalikasan sa Ama. Kaua nga mismong si Cristo ay nagsabing:


"Ako at ang Ama ay iisa.” Juan 10:30


Kaya malinaw po ang sinasabi ng banal na kasulatan. 


Ngayon, ano ang mga patunay na si Cristo ay Diyos kahit na siya ay tao? May mga katangian ba siya ng pagiging isang Diyos? Meron po, alamin natin yan sa isang tanong at sagot:


Tanong: Si CRISTO ba ay SINAMBA?


Sagot: OO, Siya ay SINAMBA (Mateo 28:17; Juan 9:38). 


Tanong: NANALANGIN ba sila kay CRISTO?


Sagot: OO, NAGDASAL sila sa Kanya (Gawa 7:59-60). 


Tanong: ALAM ba ni CRISTO ang LAHAT N BAGAY?


Sagot: OO, ALAM Niya ang LAHAT (Juan 21:17; Colosas 2:3). 


Tanong: UMIRAL na ba si CRISTO bago ang PAGLIKHA?


Sagot: OO, UMIIRAL na si CRISTO bago malikha ang lahat (Mikas 5:2, Juan 1:1). 


Tanong: Si CRISTO ba ay MAKAPANGYARIHAN sa LAHAT?


Sagot: OO, si CRISTO ay MAKAPANGYARIHAN sa LAHAT (Filipos 3:21) 


Tanong: Si CRISTO ba ay MANLILIKHA?


Sagot: OO, si CRISTO ay MANLILIKHA (Hebreo 1:8-10). 


Tanong: Si CRISTO ba ay NASA LAHAT?


Sagot: OO, si CRISTO ay NASA LAHAT (Efeso 1:23; Colosas 3:11). 


Tanong: Si CRISTO ba ay WALANG HANGGAN?


Sagot: OO, si CRISTO ay WALANG HANGGAN (Apocalipsis 1:17-18). 


Tanong: Si CRISTO ba ay TINAWAG na YAWEH o JEHOVAH?


Sagot: OO, si CRISTO ay TINAWAG na YAWEH o JEHOVAH (Isaias 40:3 & Juan 1:23; Joel 2:32 & Roma 10:13). 


Tanong: Si CRISTO ba ay NARARAPAT na TAWAGING DIYOS?


Sagot: OO, si CRISTO ay NARARAPAT na TAWAGING DIYOS (Juan 20:28; Isaias 9:6). 


SAMAKATUWID, si CRISTO ay TUNAY na DIYOS!!

SI CRISTO AT ANG JUAN 14:28: HINDI BA DIYOS SI CRISTO DAHIL MAS MATAAS DAW SA KANYA ANG AMA? By Humphsky Rey




Sabi ng mga kaibigan nating tinatakwil ang PAGKADIYOS ng ating Panginoong Hesukristo, malabo daw na DIYOS siya sapagka't mas MATAAS ang AMA sa kanya, therefore pag sinabing mas mataas o mas dakila ay pinapawalang saysay nito ang PAGKAPANTAY nila bilang mga PERSONA ng SANTISIMA TRINIDAD. 


Ating suriin ng kaunti ang nasabing talata. 


Juan 14:28: “Sinabi ko na sa inyo, ‘Ako’y aalis, ngunit ako’y babalik.’ Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, SAPAGKAT HIGIT NA DAKILA ANG AMA KAYSA SA AKIN.”


Ayan, tahasan daw na sinabi ni Cristo na mas DAKILA ang kanyang AMA sa kanya. Therefore hindi siya Diyos at mas lalong hindi kapantay ng Ama.


PERO, ano ang tunay na patotoo patungkol dito?


Bilang TAONG NAGSASAYSAY ng KATOTOHANAN, at bilang PARAAN ng PAGPAPAKUMBABA ay hindi niluklok ni Cristo ang sarili bilang isang MATAAS na nilalang. Ito ang tinatawag nating "KENOSIS" bagay na ayaw tanggapin ng mga INCM at JW. 


Ganito ang sabi ng Biblia:


Filipos 2:[6] Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.

[7]Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao,

[8]nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.


Sa 2:6 Ay mapapansin ang mga ito:


1. Bagama't tunay siyang DIYOS,


2. Hindi NAGPUMILIT na maging KAPANTAY ng DIYOS.


Ibig sabihin, may nakalaan na palang PAGKAPANTAY sa kanya, ngunit HINDI LAMANG NIYA ITO SINAMANTALA, bagkus ay NAGPAKUMBABA siya at HINUBAD niya ito... 


Kaya pala nasabi ni CRISTO sa JUAN 14:28 na mas dakila ang kanyang AMA, sapagka't HINDI NGA NIYA IPINAGPILITANG MAKIPANTAY DITO...


In short, NAGPAKUMBABA.


Bilang ganti ay ano ang nangyari?


Filipos 2:[9]At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.

[10]Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.


Ayon naman pala. Pero take note kung kailan ibinigay sa kanya yan hah. 


Balik tayo sa JUAN 14:28


Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia, sinabi man ito ni Cristo ay hindi ito dahilan upang itakwil ang kanyang PAGKADIYOS sapagkat sa KONTEXTO nito, si CRISTO ay nagsasalita patungkol sa kanyang OFFICE o KATUNGKULAN hindi sa kanyang PAGIGING PERSONA. Kung kaya sa pagkakasabi niyan ay napapalitaw na mas mataas ang katungkulan ng Ama kaysa sa kanya. Ngunit sa PAGKADIYOS ay magkapantay lamang sila. At kung susuriin ang nasa TALATA ay hindi naman sinabi ni Cristo na mas mataas ang Ama sa PAGKADIYOS.


Ganyan din exegetical commentary ng isang dalubhasa patungkol sa talata:


John 14:28


"In this context, it is obvious that Jesus is speaking with reference to his office, not his person. That is, the Father has great rank, but the Son is no less deity than is the Father. "(Greek Grammar Beyond the Basics by Daniel Wallace, Page 111) 


At sinasang-ayunan ito ng isa pang dalubhasa na nagbigay pa ng malinaw at angkop na paliwanag:


" The Father is greater than the son by office, but not by nature, since both are God. Just as an earthly father is equally human with, but holds a higher office than, his son, even so the Father and the Son in the trinity are equal in essence, but different in function. "(The Big Book of Bible Difficulties, Page 420)


Na sinuportahan pa ng ilan:


"At a popular level, this clause is often cited, out of context, by modern arians who renew the controversy from the early centuries that is connected with the name of Arius. In the clause before us, the father is greater that I cannot be taken to mean that Jesus is not God, or that he is a lesser God; the historical context of Jewish monotheism forbids the latter, and the immediate literary context renders the former irrelevant" (The Gospel According to John by D.A. Carson, Page 507)


Malinaw kung ganon na ang paggamit ng mga MODERN ARIANS at Hudyo gaya ng mga INCM ay OUT OF CONTEXT lamang, o sabihin na nating winalang unawa nalang para sa kaangkupan ng kanilang pananaw. 


Bigyan natin ng halimbawa:


Ang ISANG tao ay may AMA, ang Ama nito ay ang Presidente ng KUMPANYA at ang ANAK naman ay MANAGER ng nasabing KUMPANYA. ANG dalawa ay magka-iba ng katungkulan o OFFICE, at di hamak na MAS MATAAS ang AMA sa pagiging isang PRESIDENTE kumpara sa ANAK bilang MANAGER... pero, when it comes sa PAGIGING TAO... sila ay PANTAY AT PAREHO.


Sana ay maunawaan nila at huwag magbulagbulagan sa katotohanan.


#ChristIsGod

#CATHOLIC

SI CRISTO AT ANG 1 TIMOTEO 1:17 Apologetics| By Humphsky Rey


Ayon sa mga hindi naniniwalang ang Panginoong Hesus ay isang tunay at likas na Diyos, isang patunay daw ang talatang 1 Timoteo 1:17 na si Cristo ay hindi Diyos sapagkat ito ang sinasabi ng naturang talata:


✔️"Purihin natin at luwalhatiin magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan at di-nakikita! Amen."

(1 Timoteo 1:17, MBB)


Ayan, malinaw daw na sinasabi sa talata na ang Diyos ay walang kamatayan, walang hanggan at pupurihin magpakailanman. Ang ilan sa mga bagay na tinukoy ay kontra umano sa pagiging Diyos ni Cristo. Pero, pasado nga ba ang Panginoon sa talatang iyan? Yan ang ating aalamin.


🙏UNA, sa talatang iyan ay binanggit ang isang "HARING WALANG HANGGAN" bilang patungkol sa Diyos, eh si Hesukristo kaya ganon din ba ayon sa Biblia? Ang sagot ay makikita din natin sa Biblia na nagsasabi ng ganito:


✔️“SIYA’Y MAGIGING DAKILA AT TATAWAGING ANAK ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang [33] maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. ANG KANYANG PAGHAHARI AY PANGWALANG HANGGAN.” (Lucas 1:32-33, MBB)


Ayun, malinaw naman pala na ang Panginoong Hesus ay walang hanggang maghahari, sa makatuwid ay HARING WALANG HANGGAN!


🙏IKALAWA, binanggit din sa talata ng 1 Timoteo 1:17 na ang Diyos ay "HINDI NAKIKITA" pasado naman kaya dito si Cristo? Alamin ulit natin gamit ang Biblia:


✔️ "...sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni JESUCRISTO: [8] NA HINDI NINYO NAKITA ay inyong iniibig; na BAGAMA'T NGAYON AY HINDI NINYO SIYA NAKIKITA, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan..." (1 Pedro 1:7-8, AB)


Malinaw na naman ang patotoo ng Biblia, nakapagtataka at may mga tao talagang hindi naniniwala at patuloy na nagbubulag-bulagan.


🙏PANGATLO, siya ay WALANG KAMATAYAN, noong si CRISTO ay nabuhay nang muli, ay wala na siyang kamaytayan, ang kamatayan ay wala ng kapangyarihan sa kaya:


✔️"Alam nating si Cristo nang muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan." (Mga Taga-Roma 6:9) 


🙏PANG-APAT, sinabi din sa talatang ginamit na ang Diyos ay dapat "PURIHIN at LUWALHATIIN MAGPAKAILANMAN", angkop kaya ito kay Cristo? Ganito ang patotoo ng banal na kasulatan:


✔️“Sa halip, pagsikapan ninyong lumago sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si JESU-CRISTO. SA KANYA ANG KALUWALHATIAN NGAYON AT MAGPAKAILANMAN! Amen." (2 Pedro 3:18, FSV) 


✔️“...na malakas na umaawit, “Ang pinaslang na KORDERO[Jesus] AY KARAPAT-DAPAT NA TUMANGGAP NG kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, KALUWALHATIAN, AT KAPURIHAN!” (Pahayag 5:12, FSV) 


THEREFORE, kung iisipin natin gamit ang lohika at common sense, ang Panginoong Hesukristo ay Diyos ayon na mismo sa ginagamit na talata ng mga Iglesia ni Manalo at ng mga Witness ni Russel, hindi nila mabatid ang mensahe nito dahil sa literal na unawa nila at sa kadahilanang ayaw nilang unawain dahil sa pride at pagkabulag sa kanila ng kanilang ama sa mundong ito!


Pero gaano man nila iwasan ang katotohanan, hindi na nila ito mababago, tanging mga may mahihinang pananampalataya lamang ang kaya nilang iligaw sa tunay at dalisay na pananampalataya na si Cristo, ang ating Panginoon ay tunay na Diyos!


Immortal, forever and praiseworthy!!!


#DIYOSSICRISTO!




ANSWERING MR Gilberto Embang, Mandirigma of Iglesia ni Cristo -By Humphsky Rey

 SI CRISTO AT ANG 1 CORINTO 15:28: HINDI BA DIYOS SI CRISTO DAHIL SUSUKO AT PAPASAILALIM SIYA SA AMA?


Isa na marahil sa pinagyayabang ng mga hindi naniniwalang Diyos ang Panginoong Hesus ay ang argumento nila gamit ang 1 Corinto 15:28 kung saan ay sinasabi ng talata na ang Anak ay papasukuin o susuko sa Ama. Kadalasan itong ginagamit ng mga kaanib sa Iglesia ni Manalo gaya ni Mr. GILBERTO EMBANG. 


Ganito ang nakasaad sa nasabing talata:


👉"At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang ANAK RIN AY PASUKUIN naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat." 1 Cor. 15:28


Ayon sa mga kalaban ng pananampalataya, hindi daw maaring Diyos si Cristo, sapagkat ang isang Diyos ay makapangyarihan sa lahat at walang susukuan o walang pasasailaliman man. Kung kaya, dahil nga ang Anak ay susuko sa Ama, hindi ngayon siya maaring maging Diyos dahil siya nga ay sumusuko.... Ibig sabihin ay may mas makapangyarihan sa kanya. 


Pero sa pag-unawa ng talatang ito ay kinakailangan natin ng gabay mula sa mga dalubhasa sa Biblia ika nga at huwag magbabatay lamang sa kuro-kuro at sariling pananaw gamit ang mga tinagpi-tagping talata ng Biblia gaya ng kanilang ginagawa. 


Kung hindi pala Diyos si Cristo dahil sa pagsuko niya sa "isang Diyos" ay hindi din pala tao ang mga kababaihang may mga asawa kung ating susundan ang kanilang maling unawa at palusot:


👉"Mga babae, pasakop kayo sa sari-sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon." Efeso 5:22


In English:


👉“Wives, submit (hupotasso) to your husbands as to the Lord.” Ephesians 5:22


Ang salitang SUBMIT o PASAKOP o SUMUKO na ginamit dito, wikang GRIEGO ay "Hüpotassomenoi " Greek: "ὑποτάσσω" o "hupotassó" at ang salitang iyan ay siya ring ginamit sa talata ng 1 Cor. 15:28.


Para maunawaan ay narito ang ibig sabihin nito ayon sa Strong's:


Strong's g5293


- Lexical: ὑποτάσσω

- Transliteration: hupotassó

- Part of Speech: Verb

- Phonetic Spelling: hoop-ot-as'-so

- Definition: to place under, subject to; mid, pass: to submit, put myself into subjection.

- Origin: From hupo and tasso; to subordinate; reflexively, to obey.

- Usage: be under obedience (obedient), put under, subdue unto, (be, make) subject (to, unto), be (put) in subjection (to, under), submit self unto.

- Translated as (count): be subject (4), are subject (2), being subject (2), having been subjected (2), having put in subjection (2), to be subject (2), are subjected (1), are to be subject (1), Be in subjection (1), Be submitting yourselves (1), did He subject (1), have been put in subjection (1), having subjected (1), He has put in subjection (1), He put (1), is subjected (1), it is subject (1), let be subject (1), shall have been put in subjection (1), shall we be in subjection (1), subject (1), Subject yourselves (1), subjecting (1), submit yourselves (1), they submitted (1), to be in submission (1), to subdue (1), was subjected (1), will be put in subjection (1), You have put in subjection (1).


Now sundan natin ang lohika nila. 


Since susuko si Cristo sa Diyos, therefore hindi siya Diyos dahil walang Diyos ang susuko sa isa pang Diyos? 


Eh since susuko ang mga babae sa kanilang mga asawang lalake, ibig sabihin pala nun ay hindi din sila tao? 


Kahibangan po yan. Syempre tao parin po sila, at si Cristo ay Diyos parin, pinatutunayan lang ng pagsusuri na iyan na ang salitang "HUPOTASSO" ay HINDI tumutukoy sa KALIKASAN (Nature) kundi sa POSISYON o GAMPANIN (Office). 


Eto pa, may isa pang banat para sa kanila:


👉"Siya'y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya'y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso."

Lucas 2:51


In English:


👉“Jesus went back to Nazareth with his parents and OBEYED("hupotassomenos") them. His mother kept on thinking about all that had happened.”

Luke 2:51


Ang ginamit naman sa Greek translation ng Biblia sa talatang iyan ay ang salitang "hupotassomenos" na isang past tense ng salitang “hupotasso” na nagpapakita parin ng parehong kahulugan. 


Kung si Hesus ay magpapasailalim sa Ama ay hindi na Diyos, sa talatang iyan, hindi din ba tao si Hesus? 


Naku, nagkanda kontra-kontra na ang analogy nila at unawa. Ano na naman kaya ang katwirang baluktot nila dito?


Kaya, malinaw na hindi porke sinabing susuko, papasailalim, o papasakop ay hindi na ito kapantay. Tandaan si Cristo bilang isang halimbawa ng pagpapakumbaba ay hinubad ang pagkapantay Niya sa Diyos (Ama) na

kahit na Siya ay isang Diyos, hindi niya ito inako, bagkus ay NAGPAKUMBABA siya at nakitulad sa tao, sa ALIPIN..... so natural na siya ay susuko sa Diyos yan ang tinatawag na "Kenosis". Pagpapakumbaba na dapat gayahin ng mga taong ito na nagmamataas.


👉"Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.

Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.

Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao,

nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus."

Filipos 2:5-8


Malinaw na si Cristo ay susuko lamang gaya ng isang masunuring anak sa kanyang ama, siya ay susuko sa kanyang gampanin, sa kanyang posisyon at hindi sa kanyang kalikasang banal o divine nature as God. Dahil at the end, si Cristo at ang Ama ay IISA (Juan 10:30).


#DIYOS

#CHRIST

#CATHOLICTRUTH

#EMBANGDEBUNKED

Si Felix Manalo ba ang tinutukoy na isang Pastol sa Juan 10:16 o guni-guni lamang ng mga Manalista?

 Si Felix Manalo ba ang tinutukoy na isang Pastol sa Juan 10:16 o guni-guni lamang ng mga Manalista?



-Humphsky Rey


(Correction daw? Haha, antigas din ng bungo ng mga taong namumuhay sa kasinungalingan) 


Sabi ng mga INC members, si Felix Manalo daw na Huling Sugo, na siya ring Uod ni Jacob, na siya ding Binhi ni Abraham na isa ding Ibong Mandaragit ay siya daw ang ISANG PASTOL ng ISANG KAWAN na tinutukoy sa Biblia. Hindi na nahiya at inangkin ng lahat.


Ito ang mababasa natin sa blog ng kanilang Ministro:


“There are other sheep which belong to me that are not in this sheep pen. I must bring them, too; they will listen to my voice, and they will become one flock with one shepherd.” (John 10:16 TEV)


We believe that the fulfillment of this prophecy is Brother Felix Y. Manalo. Through the preaching of Brother Felix Y. Manalo, Christ’s “other sheep” heard His voice and they became one flock with one shepherd. Thus, brother Felix Y. Manalo did not established the Church of Christ in the Philippines in 1914, but the messenger used by the Lord Jesus Christ to preach the Church of Christ in these last days and the “shepherd” of Christ’s “other sheep.”

Source: (http://theiglesianicristoblogspot.com//)

(https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2859960057382136&id=100001045091129)


Ayan malinaw ang pag-angkin nila na si Felix Manalo daw ang KATUPARAN ng sinasabi ni Cristo na MAGKAKAROON NG ISANG PASTOL at ISANG KAWAN.


Pero may katotohanan po ba ito? Wala po, pawang mga delusyon lamang iyan ng mga Manalista upang ipagdiinan nag mali nilang aral. Bagkus maliwanag pa po sa sikat ng araw ang talata ng Biblia, ang konteksto nito na ang iisang Pastol na iyon ay ang Panginoong HesuKristo.


Atin pong suriin. 

Juan 10:11,14,16


[11]“Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.


[14](14-15) Ako nga ang mabuting pastol. Kung paanong kilala ako ng Ama at siya'y kilala ko, gayundin naman, kilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y kilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa aking mga tupa.


[16]Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y ipasok ko rin at papakinggan naman nila ang aking tinig. Sa gayon, magiging isa na lamang ang kawan at isa ang pastol.


Ayon, malinaw po. Ganon kasi ang napapala nila sa mali nilang paraan ng pag-unawa sa Banal na Kasulatan.


Sa talatang Juan 10:11 sinabi doon ng Panginoon na SIYA ang MABUTING PASTOL. Sa boong talata at Kabanata po ng Juan 10 ay iisang Pastol lamang ang tinutukoy at paksa, hindi po marami, at iyon ay si Cristo hindi si Felix Manalo.


Sa sumunod naman pong talata ng Juan 10:14-15 ay MULING IPINAGDIINAN ng Panginoon NA SIYA NGA ang MABUTING PASTOL.. SIYA NGA ("AKO NGA ANG MABUTING PASTOL") , hindi si FÉLIX MANALO. At upang mavalidate ay inangkin din ni Cristo na SA KANYA ang Kawan, sinabi niya "AKING MGA TUPA", hindi niya sinabi na mga TUPA NI MANALO, o si Manalo ang magiging Pastol o may iba pa ngang Pastol liban sa kanya.


Eh ano naman ang ibig sabihin ng sinabi na MAYROON PANG IBANG MGA TUPA si Cristo na kailangang ipasok sa kawan upang maging iisang kawan at isang Pastol?


Ito po au ang mga TAONG WALA PA SA KALIWANAGAN NG EBANGHELYO, kung kaya sa Mateo 28:19-20 ay INUTOS ni CRISTO na GAWING ALAGAD NIYA ang LAHAT NG BANSA.... meaning ipasok sila sa kanyang KAWAN. Taliwas sa sinasabi ng INC dahil noong sinabi ni Cristo sa Juan 10:16 na MAYROON PA SIYANG IBANG MGA TUPA, ay hindi niya sinabi na MAWAWALA ang KASALUKUYANG KAWAN niya, kaya nga SILANG MGA WALA PA SA KASALUKUYANG KAWAN ay dapat na IPASOK DITO. At MAGKAKAROON ng IISANG KAWAN, sapagkat napag-isa na lahat, at IISANG PASTOL, si Cristo dahil HINDI NAMAN NAWALA ANG PASTOL. Kung si Felix Manalo ang ibang Pastol eh di nagkakaroon ngayon ng dalawang Pastol sa iisang kawan pero since hindi nawala ang kawan, eh di mas malala, dalawang pastol at dalawang kawan ang kalalabasan, talagang KONTRA sa BIBLIA.


Ito kasi ang sabi sa Biblia:


Romans 12:5

"so we, though many, are one body in Christ, and individually members one of another."


Tayo ay IISA KAY CRISTO, iisang KAWAN TAYONG LAHAT KAY CRISTO sapagkat si Cristo ay nagtatag ng IISANG IGLESIA hindi marami.


Mateo 16:18

"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya."


At noon pa man ay nais ni Cristo na maging isa ang kanyang mga alagad, ang kanyang mga tupa:


John 17:21

"I pray that they may all be one. Father! May they be in us, just as you are in me and I am in you. MAY THEY BE ONE, so that the world will believe that you sent me."


At kailangan pa ba natin ng ng IBANG PASTOL o may IBA PA BA tayong KAILANGAN?


Ganito ang sabi ng Biblia:


Psalm 23:1

"The LORD is my shepherd; I have everything I need."


Wala na, hindi na natin kailangan pa ng ibang PASTOL o KAHIT NA ANO, hindi na natin kailangan pa ng isang FELIX MANALO para magturo sa atin, dahil noon pa man ay si Cristo na ang ibinigay sa atin ng Diyos.


Hebrews 1:1

"But now at last, God sent his Son to bring his message to us. God created the universe by his Son, and everything will someday belong to the Son."


At huwag silang magpapalusot ng hindi si Felix ang nagtatag ng kanilang Iglesia at ito ay ang Panginoon sapagkat matagal ng naitayo ni Cristo ang kanyang Iglesia noon pa man sa Jerusalem, 33 AD, unang siglo, samantalang si Felix Manalo ay itinatag ang IGLESIA niya noong taong 1914, sa Punta, Santa Ana, Manila, bansang Pilipinas.


Malinaw ang Biblia na siyang gabay natin para hindi mauto ng mga mandarayang ito.

CATHOLIC TALAGA ANG NAIS NI CRISTO NA ITAWAG SA IGLESIA



Bakit? Matagal na itong naihula, ang BAHAY NG DIYOS o ang IGLESIA ay TATAWAGING(future) "BAHAY DALANGINAN NG LAHAT NG BANSA"(Marcos 11:15).


Matagal nang sinabi iyan ni Cristo batay sa Lumang Tipan.


Kaya nga, noong siya ay nagsugo, ninais niya na ang turo niya ay maipangaral sa "LAHAT NG BANSA" (Mateo 28:19-20, Gawa 1:8).


Walang mababasa sa Biblia na sinabi ni Cristo na ang itatawag o ipapangalan sa kanyang Iglesia ay "IGLESIA NI CRISTO" o "IGLESIA NG DIYOS".


Bakit? Dahil hindi naman iyan pangalan kundi possessive noun at descriptive term o common noun lamang.


Halimbawa:


Si Henry Sy nagpatayo ng Mall, natural na tawagin itong "Mall ni Henry Sy" pero ang Pangalan na dapat itawag ay "SM".


Mahirap bang unawain iyan? 


Katoliko o laganap ang Iglesia at pananampalataya nito, ito ay para sa lahat maging Hudyo o Hentil, dahil ang Diyos ay Diyos nating lahat(Roma 3:29), ang kanyang Iglesia at para sa lahat.


Ito ay balitang-balita sa buong daigdig(Roma 1:8) kaya nga tinawag na "CATHOLIC" anong big deal doon?


Wala na si Cristo noon? Wala ng mga Apostoles? Bakit natapos lang ba ang pangangaral sa mga Apostol? Hindi po, nagpatuloy po ito para matupad ang ninais ni Cristo na IPALAGANAP SA BUONG MUNDO, hindi naman basta kaya ng mga Apostol iyon kaya nga nagtalaga sila ng mga namamahala sa mga Iglesia at lumago ito ng lumago kaya Catholic.


Walang problema kung bagong "term" ito, lahat ng salita ay may bago, gaya ng "Biblia", "New Testament", "Kapilya", narinig ba ni Cristo at mga Apostoles ang terms na iyan? Very simple, pinapakumplikado lang nila.


Ayaw nilang tawaging "CATHOLIC" ang Iglesia pero hindi nila alam ang rason noon bakit tinawag na Catholic, hindi kasi sila naniniwalang lumaganap ito.


Ayaw nilang tawaging "CATHOLIC" ang Iglesia pero ang tawag nila sa lumalago at lumalaganap nilang Iglesia ay "GLOBAL CHURCH" at "INTERNATIONAL"?


Kung makapagsalita silang "MATAGAL NG PATAY ANG MGA APOSTOL" eh akala mo naman nakilala nila o may kaugnayan sila sa mga Apostol, anong mas may kaugnayan sa mga Apostol, ang Iglesia na itinatag noong unang Siglo na hindi matatalikod(Mateo 16:18-19), o ang mga Iglesiang sumulpot noong 1900s na bunga ng pagtalikod(Mateo 24:5).


Nasaan ang utak ng mga kaibigan natin? Bakit sarado at walang common sense? Dahil ba ito sa tinatawag na pride, galit o pagkabulag o kaya ignorance? Maaring isa o dalawa sa mga iyan, o kaya ay lahat.


Kaya nga mga kapatid, ipanalangin natin ang mga taong ito, nang sa ganon ay mabuksan ang kanilang isip at makipag-isa din sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos at Tagapagligtas nating si Jesu-Cristo(Titus 2:13).


Napakaillogical kasi na magbasa ng Biblia, bigyan ng sariling interpretasyon, PUMULOT ng SALITA at GAWING PANGALAN ng Iglesia, lahat kayang gawin iyan. Kaya nga Catholic ang tunay, bakit? Kasi hindi umaasa sa "NAME GAME" para lamang may maipangatwiran, noon kasi, wala pang mga ibang Iglesia kaya hindi kailangan ng Iglesia na angkinin ang nakasulat sa Biblia, wala naman kasing ibang umaangkin at ibang Iglesia noon bukod sa Iglesia Katolika. Kapag sinabing Iglesia ni Cristo o Iglesia ng Diyos, yan ay walang iba kunin ang Iglesia Katolika.


Kapag naman tatanungin mo ang mga unang Cristiano gaya ng mga Apostol at Church Fathers tulad nila Ignacio, Policarpio, Justin Martyr, Ireneus at iba pa, kung saan mababasa sa Biblia letra por letra ang pangalan ng kanilang Iglesia ay baka magalit pa sila o tawagin kang mangmang, hindi ka nila maiintindihan at ang punto mo, dahil wala pa namang "Name Game" noon.


Very simple lang diba.

Ang Dogma ng Assumption of the Blessed Virgin Mary

 Ang Dogma ng Assumption of the Blessed Virgin Mary


(Isang simple at maikling paliwanag)


- Humphsky Rey


Ang pag-akyat kay Santa Maria sa langit ay may batayan sa Biblia, nauna na itong idinadaos at inaalala ng mga unang Cristiano bago pa pormal na ideklara ng Simbahan noong 1950. Naniniwala tayo na si Maria ay iniakyat sa langit ng Panginoon, ito'y katotohanan na inihayag ng Diyos sa kanyang Simbahan. Pero alalahanin, magkaiba ang Umakyat(Ascension) sa Ini-akyat(Assumption), kapag sinabing Ascension ito ay ang pag-akyat ng Panginoon sa Langit gamit ang sariling kapangyarihan nito, at kapag Assumption naman ay ang pag-akyat kay Maria sa Langit sa kapangyarihan ng Diyos. 


Si Maria ay maaring paniwalaang namatay bago iniakyat kaya ang mga Orthodox naman ay may tinatawag na Dormition of Mary o pagtulog nito o kaya ay buhay bago iniakyat, gayunpaman ay may kalayaan tayong maniwala.


Wala ding relikya si Maria, walang laman ang kanyang puntod, at walang tala sa mga unang Iglesia ng kanyang pagkamatay at pagkabulok. Bagkus, ayon sa mga tradisyon at sinaunang mga sermon siya ay iniakyat sa Langit. 


Hindi tuwirang mababasa sa Biblia ang pag-akyat kay Maria sa langit, sapagka’t siya ay buhay pa naman noon. Hindi pa siya namamatay. Kaya hindi iyan valid na rason sapagka’t hindi lahat nakasulat sa Biblia(Juan 20:30, 21:25j at meron din sa tradisyon (2 Tesalonica 2:15), bagkus ay ipinapahiwatig ng Kasulatan na siya ay nasa langit na.


 Ito ang ilan sa mga pahiwatig na ito:


Pababangunin ang Panginoon at ang Kaban ng kanyang kalakasan (Awit 132:8) gaya ng pagtawag nito sa kayang sintang maganda (Awit ni Solomon 2:10-14).


Si Maria ang Bagong Kaban na gaya ng Lumang Kaban ng Tipan ay nagtataglay ng Tungkod ni Aaron(simbulo ng Punong Pari), Tinapay na mula sa Langit(buhay), at ang Tabletang Bato ng Utos(Salita ng Diyos) (Hebreo 9:4).


Si Maria ang nagdala kay Cristo, ang tunay na Punong Pari(Hebreo 4:14), ang tunay na Tinapay ng Buhay(Juan 6:48), ang tunay na Salita ng Diyos(Juan 1:1).


Kagaya ng Kaban na nanatili ng tatlong Buwan sa bahay ni Obed-edom(2 Samuel 6:11)ay gayon din si Maria sa bahay ni Elizabeth(Lukas 1:56).


Kagaya din ng pagdalaw ng Kaban kay David ay kanyang sinabing paanong ang Kaban ng kanyang Panginoon ay dadalaw sa kanya(2 Samuel 6:8-9) ay ganoon din si Elizabeth na nagsabing paanong ang Ina ng kanyang Panginoon ay dadalaw sa kanya(Lukas 1:43).


Gayundin naman ang saya ni David at napaindak nang makita ang Kaban(2 Samuel 6:14) kagaya ng Anak ni Elizabeth na si Juan Bautista na noon ay nasa sinapupunan niyan na naindak din sa galak ng sa presensiya ni Maria at ng Anak nito(Lukas 1:44).


Hindi ginalaw ninuman si Maria, kagaya ng Kaban na hindi pwedeng galawin ninuman.


Si Maria ay pinagpala sa lahat (Lukas 1:28, 42, 48) sapagka’t siya'y naging mapagkumbaba, sino mang nagpapakumbaba ay itinataas ng Diyos(Lukas 4:11).


Sa Biblia may mga tao na na iniakyat sa langit kagaya ni Elijah (2 Hari 2:3-9) at Enoch(Hebreo 11:5).


Si Elijah at Enoch ay mga naging kalugud-lugod at banal sa paningin ng Diyos, paano nalang kaya si Maria na naging Banal at lubhang kalugud-lugod( Lukas 1:28, 42, 48)?


Hindi hahayaan ng Diyos na ang lingkod niya ay mabulok sa libingan(Gawa 2:27), si Maria ay isang tunay na alipin at lingkod ng Diyos, ginawa niyang walang duda ang nais ng Diyos (Lukas 1:38).


Ang laman at Dugo ni Cristo na ipinantubos sa atin ay mula kay Maria, si Cristo ay ang Anak ng Diyos, inutos ng Diyos sa mga tao na igalang at mahalin ang ating mga magulang(Exodo 20:12), si Cristo pa kaya na siyang katuparan ng kautusan? Si Cristo lamang ang may kakayahang gawin iyon, kung tayo nga kung maaari lamang ay huwag makitang mabulok ang ating ina, si Cristo pa kaya?


Ang kaganapang ito ay naitakda na sa Genesis 3:15, si Maria ang dudurog sa Ahas. Ito ang unang Mabuting Balita.


Ngayon, nakita ni Juan sa langit ang Templo at ang Kaban ng Tipan (Pahayag 11:19), ang Templo pong ito ay ang Panginoong Hesus at ang Kaban ay walang iba kundi si Maria.


At agad-agad ay nakita sa langit ang isang Babaeng nadaramtan ng Araw at may korona ng labindalawang Bituin na parehong sagisag ng mga Apostol at tribo ng Israel, nasa ilalim nito ang buwan(Pahayag 12:1).


Ang Babaeng ito ay si Maria, ang mga nakitang Araw, Bituin at Buwan ay mga sagisag ng kalangitan, idikasyon na siya ay nasa langit na nga, ang Kaban na naunang nakita sa Pahayag 11:19 ay naging ang Babae sa isang iglap, pero kung mapapansin, sinabing isang Babae, ito ang patunay na si Maria ay iniakyat sa langit katawan, kaluluwa, at Espiritu gaya ng sabi sa Munificentissimus Deus ni Santo Papa Pio XII noong Nobyembre 1, 1950, sapagka’t ang mga naunang iniakyat sa langit ay mga lalake, at ang mga espíritu ay walang katawan at paa, si Maria ngayon ito dahil babae na may katawan. Ito ang dahilan kaya siya ay tinawag na Babae ni Cristo (Juan 2:4, 19:26-27) alinsunod sa hula ng Genesis 3:15 at sa Pahayag 12:1. Mapapansin na Nobyembre 1 ang kanyang deklarasyon na siyang araw ng lahat ng Banal, sapagka’t siya ang reyna ng lahat ng Santo. 


Hindi ikinakaila na maraming interpretasyon ang Pahayag 12:1, pero natitiyak natin na bukod sa Iglesia ay ito si Maria, sapagka’t nanganak ito ng lalake(Pahayag 12:5) ang lalakeng ito ay maghahari gamit ang tungkod at ito ay si Jesucristo ang Kordero (Pahayag 2:27).


Si Cristo ang bagong Adan(1 Corinto 15:45-47), si Maria ngayon ang bagong Eva kaya nga "Ave", ang naunang Eva ay mula sa katawan ng unang Adan, at ngayon ang pangalawang Adan ay mula sa katawan ng pangalawang Eva.


Malinaw na ang ating Inang Maria, sa deklarasyon ng Simbahan na may kapangyarihan at otoridad mula sa Diyos(Mateo 16:18-19, 18:18), ginagabayan ng Espiritu Santo(Juan 16:13), at haligi at pundasyon ng katotohanan(1 Timoteo 3:15), ay inihayg ang katotohanan na ito.


Ito ay may dakilang kapistahan tuwing Agusto 15. Inaalala natin at pinapupurihan ang gawaing ito ng Diyos sa kanya sa ikaapat na misteryo ng Santo Rosario at pagkatapos ay ang kanyang maluwalhating Koronasyon sa langit. 


Ave Maria! Ipanalangin mo kami at mga gaya naming sakdal.


#Ave Maria!

#REYNA!


HINDI NARIRINIG NG MGA SANTO ANG ATING MGA PANALANGIN DAHIL SILA AY PATAY NA AT HINDI DIN NILA TAYO KAYANG IPAGDASAL?



Sagot: Tutol ako bilang isang Katoliko sa pahayag ng mga Anti-Catholics na ang mga Santo ay patay na, sapagka't sinumang nasa langit ay nagtataglay ng BUHAY NA WALANG HANGGAN (Mateo 22:23-33, Mateo 17:1-8). Katunayan, maraming mga talata at patunay sa Biblia na ang mga Santo ay nakakarinig at nagdarasal (intercession) para sa atin dito sa lupa as Militant Church.


"Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat (24) na matatandang pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na punô ng insenso na siyang mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos."

Pahayag 5:8 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)


"May isa pang anghel na lumapit sa altar, dala ang isang gintong lalagyan ng insenso. Binigyan siya ng maraming insenso para maisama niya sa mga dalangin ng lahat ng mga pinabanal[a] ng Dios at maihandog sa gintong altar sa harap ng trono. Mula sa kamay ng anghel ay pumailanlang sa harap ng Dios ang usok ng insenso kasama ang mga panalangin ng mga pinabanal."

Pahayag 8:3-4 Ang Salita ng Diyos (SND)


"Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid." 

Santiago 5:16 Ang Dating Biblia (ADB)


"Ang Panginoon ay malayo sa masama,

    ngunit kanyang dinirinig ang dalangin ng matuwid." 

Kawikaan 15:29 Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)


1. Malinaw na ang mga panalangin natin (sinisimbulo ng usok ng insenso) ay nakakarating at naipaparating sa Diyos, ito'y mga panalangin ng mga pinabanal o Santo na naisasamang pumapailanlang sa altar at trono ng Makapangyarihang Diyos;


2. Sapagkat ang lahat ng ito ay mga panalangin ng mga taong matuwid, na siyang pinapakinggan ng Diyos.


Kaya ang mga Santo, bilang mga pinabanal at malapit sa Diyos ay nagdarasal para sa atin, ipinapanalangin nila tayo, kaya nga kapag nagdadasal tayo ay lagi nating sinasabi na tayo'y ipanalangin nila, "Pray for us" not "hear our prayers".


Eto pa,


"Nang tanggalin ng Tupa ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang kaluluwa ng mga taong pinatay dahil sa tapat na pangangaral nila ng salita ng Dios. 10 Sumisigaw sila nang malakas, “Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat, gaano pa po kami katagal na maghihintay bago ninyo hatulan at parusahan ang mga taong pumatay sa amin?” 11 Bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng puting damit at sinabihang maghintay nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa naglilingkod sa Dios, na papatayin ding tulad nila."

Pahayag 6:9-11 Ang Salita ng Diyos (SND)


Ang mga kaluluwa ng mga martir ay nasa langit na, sila ay buhay na buhay sa ilalim ng altar ng Diyos!


At alam natin kung sinu-sino sila, ganito parin ang sabi ng Biblia:


"Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas."

Pahayag 7:9 Magandang Balita Biblia (MBB)


Mula sa iba't-ibang bansa, lipi, bayan at wika at may hawak na mga palaspas! Sino ang mga ito? Walang iba kundi ang bayang tapat, isang Katolikong bayan ng mga pinabanal ng dugo ni Cristo, mga ginawang ganap o perpekto!


"Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon ng mga panganay na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo ay ang Diyos na hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong ginawang ganap."

Hebreo 12:23 Magandang Balita Biblia (MBB)


Malinaw ang patotoo ng Biblia.


-Humphsky Rey

EXODUS: MULA SA PAGKAKAALIPIN HANGGANG SA PAGLAYA (True Conversion Story of Bro. Denmar Santiago)



Noon pa ma'y hindi ko iniisip na maging marunong sa Bibliya. Isa akong tipikal na kabataang palakaibigan. Sumasama-sama kahit kanino at "just go with the flow" until such time na ma-encourage ako to make my faith seriously dahil nagkasakit ako dati ng pneumonia na nagtangkang umagaw sa buhay ko----for a very young age.


Ang mga magulang ko ay mga binyagang Katoliko. Pawang mga deboto sila ng Jesus na Nazareno na nasa Quiapo. Pinag-aral nila ako sa isang pribadong Christian School noong Highschool ako kung saan ay kalaunan ay nahikayat ako sa Born Again Christian o maging Evangelical. Sa kabila ng 'yun, sumasama pa rin ako sa mga magulang ko at sa mga kamag-anak ko tuwing sila ay nagsasama-sama sa pagdarasal ng rosaryo tuwing gabi at sa pagdalo ng misa tuwing Linggo ng umaga. Nag-oobserve din sila ng mga traditions and festivals. I respected it at minsan pa nga ay nakikain pa ako. Kapag naaanyayahan din ako ng mga kapitbahay namin magninong sa mga anak nila, nagpupunta rin ako ng Church. Hindi ko matanggihan kasi nga nakakatuwa na may nakakaalala sa akin. In short, kahit born-again Christian na ako niyon, namumuhay pa rin akong Katoliko.


Noong panahong 'yon ay inosente pa ako sa mga doctrines ng kung ano-anong religion including the Catholic Church. Habang tumatagal ay isinasama-sama ako ng aming pastor sa pag-evangelize at naging miyembro rin ako ng kanilang music ministry bago mag-aral ng 18 months bilang Youth Pastor at nagserve ng isa't kalahating taon. Nagtagal din ako sa Born Again Christian nang apat na taon (2011-2015).


Kalaunan, nanlamig ang pananampalataya ko sa born-again Christian dahil sa aking naging masusing pag-aaral sa theology ng Evangelicals. Ilan sa mga doktrina na aking mahigpit na tinututulan ay ang secret rapture, pag-aakusa sa Catholics na pagsamba raw sa rebulto at yung tithing nila. Unang-una kasi, alam ko naman na di sinasamba ng mga Catholics ang mga imahe at mga rebulto. Walang sinabi sa akin ang aking mga magulang at mga kamag-anak na ito ay pagsamba. Palagi nilang sinasabi ay ito ay paggalang. Naniniwala ako sa kanila kasi alam ko na batid nila ang tama at nakakabuti. Dahil kung iisipin natin, kung diyos-diyosan ang mga iyon ay matagal nang sinumpa ang mga magulang ko subalit lalo silang pinagpapala dahil napagtapos nila ako ng pag-aaral sa pamamagitan ng maliit lamang na tindahan.


Naghanap ng church na masisimbihan sapagkat feeling ko----napapalayo na ang loob ko sa Panginoon. Noong panahong 'yon, ang aking tiyuhin na miyembro ng Iglesia Ni Cristo (Manalo-1914) sa Lokal ng Bayan-Bayanan, Distrito Ekklesiastiko ng Metro Manila East ay pinakiusapan ako na makinig ng kanilang bible study. Noong una akong nakapakinig sa kanila, umayaw ako sapagkat ang sinasabi ng ministro ay pawang mga paninira sa Iglesia Katolika. Sabi ko, bakit kaya ang mga taong 'to ay nanghihikayat para lamang makapakinig ng ganitong mensahe na halata namang di-naaayon sa evangelio ng pag-ibig ni Jesu-Kristo? Natapos ko ang kanilang 25 doktrina sa loob lamang ng isang buwan. Hindi ko talaga alam kung bakit nakapagpatuloy pa ako niyon sa kabila ng pagtutol ng aking mga magulang at mga kamag-anak. Nahikayat kasi nila ako sa kaayusan na mayroon sila sa loob ng kapilya at sa kanilang pagkakaisa lalo na kapag dumarating na ang botohan. Nagtagal ako sa INC 1914 sa loob ng apat na taon (Okt. 12, 2015-Jul. 23, 2019). Sa loob ng apat na taon ay naging kalihim ako sa Ilaw, Kagawad sa PNK at Faith Defender sa Facebook.


Naging ugali ko na noon ang pagsusulat ng mga articles regarding apologetics at pagtulong sa bawat kapatid sa iglesia na nagtatanong at nagnanais na makumpirma ang kanilang pananampalataya. Hanggang sa ma-establish ko ang Iglesia Ni Cristo Ibong Mandirigma Wordpress Blog para doo'y magpublish ng iba't ibang articles na sasagot sa mga arguments ng iba't ibang mga sekta o relihiyon. Minsan nakakaramdam ako ng sama ng loob sapagkat hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan batikusin at siraan ang isang samahang pangrelihiyon para lamang makaakay ng tao na magsimba sa iglesya. Ngunit, wala akong magawa kundi ang maghayag ng mga inaakala kong kasiraan ng ibang mga simbahan dahil ito ang aming pananampalataya at dapat ko itong ipagtanggol.


 Kilala nila ako sa taguri na "Mark Ventura" ----ito yung pangalan ng troll account ko noong INC Faith Defender pa ako. Isa ito kasi sa pinagduda ko sa INC 1914 sapagkat ipinagbabawal sa kanila ang pagdepensa ng aral nila sa forums at may isa pang sermon ako na napakinggan galing kay Ka Eduardo na nagbabawal sa amin na magbasa-basa sa online ng mga "nakakalason" raw sa aming pananampalataya. Alam ko na batid nyo na ang sinasabi ko----ayaw nila na mamulat ang kanilang miyembro sa katotohanan na mayroon at nagkalat sa social media. Dahil sa curiosity, tumingin-tingin ako sa Facebook, nagkalat doon ang sagot ng mga CFD at ang mga pira-pirasong Pasugo na kontra-kontra ang pahayag. Isa sa natatandaan ko na mga Pasugo na itinabi ko ay ang isyu nila noong July 1998, sa pahina 6 kung saan ay sinabi nila ito: "Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.".


At heto pa ang isa noong Abril 1992 sa pahina 22, :"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century". Mula nang mabasa ko ito ay tumatak ito sa isip ko na amimado ang Pasugo dito patungkol sa awtoridad ng Iglesia Katolika buhat pa sa mga apostol.


Lumilipas ang ilang panahon, sumulat ako sa Distrito namin noong Okt. ng taong 2018 para tutulan ang kanilang mga doktrina at ihayag ang katiwalaan sa loob ng Kalihiman. Isa itong hamon para sa akin sapagkat alam kong delikado ang ginagawa ko----lalo na't kilala ang INC 1914 sa mga ilang issue ng kaligtasan noong 2015 sa ilang kumakalaban sa kanila. Ang katiwaliang binabanggit ko ay ang pag-aagawan nila sa akay dahil sa kota na hinihingi aniya ng Pamamahala (Eduardo V. Manalo). Nauudyukan ang mga kapatid na manuhol at bolahin ang mga tulad naming kalihim para sirain at dumihan ang mga forms dahil sa kagustuhan nilang mapangaralan kapag nagkaroon ng malakihang pagpupulong sa Lokal. At tuwing nagpupulong sa lokal ay palagi na lamang isinisigaw ng Pastor ng lokal ang dapat na maging kota ng mga kapatid sa paglalagak. Ang nais nila ay kumbinsihin namin ang mga kapatid na masanay at magbigay ng malaki para maabot ang quota tuwing Linggo. Walang kaalam-alam ang mga kapatid sa iglesya na kaming mga maytungkulin ang sumasalo sa kanilang kasalanan. Kami tuloy ang pinapagalitan sa kagagawan nila.


Ang sulat ko sa Distrito para sa request kong maalis sa iglesia ay hindi napagbigyan. Nagpatuloy ako sa aking pagiging Faith Defender ngunit halata ng marami sa mga naging huling laban ko na nahihirapan akong idepensa ang aming doktrina. Pinatawag ako sa Templo Central at doo'y pinagawa nila ako ng sulat para bawiin ang aking mga pagtutol sa kanilang doktrina. Pinilit nila ako humarap sa camera upang basahin 'yon at iyon nga ang ginagamit ng INC 1914 laban sa akin. Dahil nalinis na nila ang kanilang pangalan, itiniwalag nila ako sa kasong pakikipagdebate raw ng walang pahintulot sa social media at maging sa personal. Subalit, ang nakakapagtaka bakit ako lamang ang itiniwalag nila samantalang ang mga nakasama ko ay hindi?


Noong una ay nahirapan akong mag-adjust noong itiniwalag ako sa INC 1914 sapagkat binabantaan pa rin nila ako na kapag ini-expose ko raw sila sa kanilang doktrina at sa mga katiwaliang binanggit ko ay mapapaano ako at ang aking mga magulang kaya nanahimik na lamang ako sapagkat wala kaming laban sa kanila. Hindi naman nagtagal ay nagkaroon ako ng mga kaibigang Seventh-Day Adventists.


Matagal-tagal rin akong nakipag-aralan sa kanila. Noong Okt. 15, 2019 ay nabautismuhan ako bilang isang ganap na Adventist. Ang naging hamon sa akin ay harapin ang mga dati kong kasama sa INC 1914 na kapuwa ko mga Defender of Faith. In-edit nila ang pictures ko at ginawan ng kung ano-anong memes gaya ng ginagawa nilang panunuya kay Bro. Eli Soriano ng MCGI. 


Sa loob ng maraming buwan na pananatili sa Adventist Church bilang isang aktibong misyonaryo, social media evangelist at Faith Defender ay nagpasya ako na lisanin ang SDA Church dahil sa aking masikap at patas na pag-aaral ng Bibliya.. 


Nagpapasalamat rin ako sa Adventist Church na binigyan nila ako ng kalayaan na magsaliksik----sa pamamagitan ng mahabang panahon ay kumbinsido ako sa aking naging pag-aaral. 


Mula sa malalim na pag-aanalisa at pagsisiyasat sa mga dokumento na mayroon ang Seventh-Day Adventist na available sa kanilang websites at sa Adventist Biblical Research Institute ay pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa pagbabalanse ng sagot ng Adventist at Catholic Church sa iba't ibang paksa. Nagbasa ako ng mga articles, nagdownload ng pdf's na may kaugnayan sa hermeneutics at nagkonsulta din ako sa iba't ibang tao para mabuo ang aking pasya----na umalis sa SDA Church dahil sa mga pagtuturo ni E.G White. Hindi ako nakumbinsi at nakuntento sa sagot sa akin ng SDA Church lalo na sa kanilang doktrina concerning Investigative Judgement, Sanctuary doctrine, Sabbath at sa Shutdoor statements ni E. White noong 1844-1851.


Bago naman ako nagdesisyon na umuwi sa Iglesia Katolika ay humingi ako ng "sign" mula sa Panginoon. Hindi naman niya ako binigo----nanaginip ako na pumasok sa isang simbahan na may krus sa itaas at mayroong mga makukulay na disenyo ang bintana nito. Noong pumasok ako ay narinig ko sa aking panaginip ang pag-alingawngaw ng kampana. Hinding-hindi ko malilimutan ang panaginip kong ito sapagkat madaling sumagot ang Panginoon sa akin at alam ko na ngayon ay tumatahak na ako sa daang niloob niya.


Sa kasalukuyan, patuloy akong nag-aaral ng doktrina ng Inang Simbahan at natutuhan kong huwag basta maniwala at humusga lalo na kung wala tayong pag-aaral sa Katesismo, Tradisyon o Magisterium ng Simbahan. Magsilbi nawa inspirasyon sa mga kapuwa, kapatid at kababayan nating Katoliko na manatili at magpakatatag sa kanilang pananampalataya sapagkat ako ay isang buhay na patotoo mula sa iba't ibang grupo ng Protestante na magpapatotoo at handang tumulong sa inyo na sagutin ang lahat ng paninira ng Protestante sa ating Inang Simbahan, kay Mama Mary, at sa Santo Papa na madalas tampukan ng mga bintang nila na pawang mga pangbabaluktot lang ng kasulatan. Dinadalangin ko na parati akong gabayan at samahan ng Panginoon sa aking landas na nilalakad hanggang matapos ko ang takbuhin ng pananampalataya.


Stay Catholic!


Stay CUTE (Catholic Until The End).


Pro Deo Et Ekklesia!!


Credits to Catholic Lay Apologetics