Tuesday, September 1, 2020

CATHOLIC TALAGA ANG NAIS NI CRISTO NA ITAWAG SA IGLESIA



Bakit? Matagal na itong naihula, ang BAHAY NG DIYOS o ang IGLESIA ay TATAWAGING(future) "BAHAY DALANGINAN NG LAHAT NG BANSA"(Marcos 11:15).


Matagal nang sinabi iyan ni Cristo batay sa Lumang Tipan.


Kaya nga, noong siya ay nagsugo, ninais niya na ang turo niya ay maipangaral sa "LAHAT NG BANSA" (Mateo 28:19-20, Gawa 1:8).


Walang mababasa sa Biblia na sinabi ni Cristo na ang itatawag o ipapangalan sa kanyang Iglesia ay "IGLESIA NI CRISTO" o "IGLESIA NG DIYOS".


Bakit? Dahil hindi naman iyan pangalan kundi possessive noun at descriptive term o common noun lamang.


Halimbawa:


Si Henry Sy nagpatayo ng Mall, natural na tawagin itong "Mall ni Henry Sy" pero ang Pangalan na dapat itawag ay "SM".


Mahirap bang unawain iyan? 


Katoliko o laganap ang Iglesia at pananampalataya nito, ito ay para sa lahat maging Hudyo o Hentil, dahil ang Diyos ay Diyos nating lahat(Roma 3:29), ang kanyang Iglesia at para sa lahat.


Ito ay balitang-balita sa buong daigdig(Roma 1:8) kaya nga tinawag na "CATHOLIC" anong big deal doon?


Wala na si Cristo noon? Wala ng mga Apostoles? Bakit natapos lang ba ang pangangaral sa mga Apostol? Hindi po, nagpatuloy po ito para matupad ang ninais ni Cristo na IPALAGANAP SA BUONG MUNDO, hindi naman basta kaya ng mga Apostol iyon kaya nga nagtalaga sila ng mga namamahala sa mga Iglesia at lumago ito ng lumago kaya Catholic.


Walang problema kung bagong "term" ito, lahat ng salita ay may bago, gaya ng "Biblia", "New Testament", "Kapilya", narinig ba ni Cristo at mga Apostoles ang terms na iyan? Very simple, pinapakumplikado lang nila.


Ayaw nilang tawaging "CATHOLIC" ang Iglesia pero hindi nila alam ang rason noon bakit tinawag na Catholic, hindi kasi sila naniniwalang lumaganap ito.


Ayaw nilang tawaging "CATHOLIC" ang Iglesia pero ang tawag nila sa lumalago at lumalaganap nilang Iglesia ay "GLOBAL CHURCH" at "INTERNATIONAL"?


Kung makapagsalita silang "MATAGAL NG PATAY ANG MGA APOSTOL" eh akala mo naman nakilala nila o may kaugnayan sila sa mga Apostol, anong mas may kaugnayan sa mga Apostol, ang Iglesia na itinatag noong unang Siglo na hindi matatalikod(Mateo 16:18-19), o ang mga Iglesiang sumulpot noong 1900s na bunga ng pagtalikod(Mateo 24:5).


Nasaan ang utak ng mga kaibigan natin? Bakit sarado at walang common sense? Dahil ba ito sa tinatawag na pride, galit o pagkabulag o kaya ignorance? Maaring isa o dalawa sa mga iyan, o kaya ay lahat.


Kaya nga mga kapatid, ipanalangin natin ang mga taong ito, nang sa ganon ay mabuksan ang kanilang isip at makipag-isa din sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos at Tagapagligtas nating si Jesu-Cristo(Titus 2:13).


Napakaillogical kasi na magbasa ng Biblia, bigyan ng sariling interpretasyon, PUMULOT ng SALITA at GAWING PANGALAN ng Iglesia, lahat kayang gawin iyan. Kaya nga Catholic ang tunay, bakit? Kasi hindi umaasa sa "NAME GAME" para lamang may maipangatwiran, noon kasi, wala pang mga ibang Iglesia kaya hindi kailangan ng Iglesia na angkinin ang nakasulat sa Biblia, wala naman kasing ibang umaangkin at ibang Iglesia noon bukod sa Iglesia Katolika. Kapag sinabing Iglesia ni Cristo o Iglesia ng Diyos, yan ay walang iba kunin ang Iglesia Katolika.


Kapag naman tatanungin mo ang mga unang Cristiano gaya ng mga Apostol at Church Fathers tulad nila Ignacio, Policarpio, Justin Martyr, Ireneus at iba pa, kung saan mababasa sa Biblia letra por letra ang pangalan ng kanilang Iglesia ay baka magalit pa sila o tawagin kang mangmang, hindi ka nila maiintindihan at ang punto mo, dahil wala pa namang "Name Game" noon.


Very simple lang diba.

No comments:

Post a Comment