Tuesday, September 1, 2020

HINDI NARIRINIG NG MGA SANTO ANG ATING MGA PANALANGIN DAHIL SILA AY PATAY NA AT HINDI DIN NILA TAYO KAYANG IPAGDASAL?



Sagot: Tutol ako bilang isang Katoliko sa pahayag ng mga Anti-Catholics na ang mga Santo ay patay na, sapagka't sinumang nasa langit ay nagtataglay ng BUHAY NA WALANG HANGGAN (Mateo 22:23-33, Mateo 17:1-8). Katunayan, maraming mga talata at patunay sa Biblia na ang mga Santo ay nakakarinig at nagdarasal (intercession) para sa atin dito sa lupa as Militant Church.


"Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat (24) na matatandang pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na punô ng insenso na siyang mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos."

Pahayag 5:8 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)


"May isa pang anghel na lumapit sa altar, dala ang isang gintong lalagyan ng insenso. Binigyan siya ng maraming insenso para maisama niya sa mga dalangin ng lahat ng mga pinabanal[a] ng Dios at maihandog sa gintong altar sa harap ng trono. Mula sa kamay ng anghel ay pumailanlang sa harap ng Dios ang usok ng insenso kasama ang mga panalangin ng mga pinabanal."

Pahayag 8:3-4 Ang Salita ng Diyos (SND)


"Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid." 

Santiago 5:16 Ang Dating Biblia (ADB)


"Ang Panginoon ay malayo sa masama,

    ngunit kanyang dinirinig ang dalangin ng matuwid." 

Kawikaan 15:29 Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)


1. Malinaw na ang mga panalangin natin (sinisimbulo ng usok ng insenso) ay nakakarating at naipaparating sa Diyos, ito'y mga panalangin ng mga pinabanal o Santo na naisasamang pumapailanlang sa altar at trono ng Makapangyarihang Diyos;


2. Sapagkat ang lahat ng ito ay mga panalangin ng mga taong matuwid, na siyang pinapakinggan ng Diyos.


Kaya ang mga Santo, bilang mga pinabanal at malapit sa Diyos ay nagdarasal para sa atin, ipinapanalangin nila tayo, kaya nga kapag nagdadasal tayo ay lagi nating sinasabi na tayo'y ipanalangin nila, "Pray for us" not "hear our prayers".


Eto pa,


"Nang tanggalin ng Tupa ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang kaluluwa ng mga taong pinatay dahil sa tapat na pangangaral nila ng salita ng Dios. 10 Sumisigaw sila nang malakas, “Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat, gaano pa po kami katagal na maghihintay bago ninyo hatulan at parusahan ang mga taong pumatay sa amin?” 11 Bawat isa sa kanilaʼy binigyan ng puting damit at sinabihang maghintay nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa naglilingkod sa Dios, na papatayin ding tulad nila."

Pahayag 6:9-11 Ang Salita ng Diyos (SND)


Ang mga kaluluwa ng mga martir ay nasa langit na, sila ay buhay na buhay sa ilalim ng altar ng Diyos!


At alam natin kung sinu-sino sila, ganito parin ang sabi ng Biblia:


"Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas."

Pahayag 7:9 Magandang Balita Biblia (MBB)


Mula sa iba't-ibang bansa, lipi, bayan at wika at may hawak na mga palaspas! Sino ang mga ito? Walang iba kundi ang bayang tapat, isang Katolikong bayan ng mga pinabanal ng dugo ni Cristo, mga ginawang ganap o perpekto!


"Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon ng mga panganay na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo ay ang Diyos na hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong ginawang ganap."

Hebreo 12:23 Magandang Balita Biblia (MBB)


Malinaw ang patotoo ng Biblia.


-Humphsky Rey

No comments:

Post a Comment