✝️ANG KATANGIAN NG ISANG REBULTO O IMAHEN UPANG SABIHIN MONG ITO AY DIYUS-DIYOSAN✝️
(Simple Apologetics)
.
Sinasabi ng mga Anti-Catholics na tayo daw ay sumasamba sa mga diyus-diyosan, at mga ito raw ay ang mga REBULTO at IMAHEN ng Panginoong Hesukristo, Birheng Maria, at ang mga Santo.
Para maunawaan natin, ano ba ang katangian ng isang rebulto o isang imahen para sabihin mong ito ay isang diyus-diyosan, o ano nga ba ang isang diyus-diyosan?
1. 👉 UNA, ang isang DIYUS-DIYOSAN ay isang bagay na HINDI KILALA...
Ibig sabihin, ay hindi mo sila kilala, o wala kang alam sa kanila, basta sila ay diyos para sayo.
Halimbawa: Sumamba ka sa diyos ng araw, kilala mo ba ang diyos ng araw?
Ganito ang sinasabi ng Biblia:
✔️Deuteronomio 13
[2]at nagpakita siya ng kababalaghan o kaya'y nagkatotoo ang kanyang pahayag, subalit hinihikayat kayong sumamba sa mga DIYUS-DIYOSANG HINDI NAMAN NINYO KILALA, (Deut.13:6, 13, 64, 26).
.
✔️Jeremias 19
[4]Ganyan ang gagawin ko sapagkat ako'y itinakwil ng bayang ito, at pinarumi nila ang lupain dahil naghandog sila sa mga diyus-diyosang HINDI NAMAN NILA KILALA maging ng kanilang mga ninuno at ng mga hari ng Juda. Ang lupaing ito'y tinigmak nila ng dugo ng mga taong walang kasalanan.
.
✔️Daniel 11
[39]Gagamitin niya ang mga taong SUMASAMBA SA MGA DIYUS-DIYOSANG HINDI KILALA upang ipagtanggol ang kanyang mga muog. Pagkakalooban niya ng malaking karangalan ang lahat ng tatanggap sa kanya bilang pinuno. Sila'y gagawin niyang tagapamahala at bibigyan ng lupain bilang gantimpala.
Malinaw, ang mga diyus-diyosan ay mga bagay na HINDI KILALA.
Tanong: Kilala ba natin ang Panginoong Hesukristo, ang Birheng Maria at mga Santo?
Sagot: Oo, ipinakilala sila ng BIBLIA, BANAL NA TRADISYON, SIMBAHAN, FACTS AT HISTORY.
So malinaw na sila ay KILALA at HINDI mga DIYUS-DIYOSAN.
2. 👉 PANGALAWA, ang isang DIYUS-DIYOSAN ay isang bagay na HINDI TOTOO...
Ibig sabihin KATHANG ISIP LAMANG, SOMETHING THAT DOESN'T EXIST... diyus-diyosan lang sila ngunit GAWA-GAWA lamang ng imahinasyon, hindi napapatunayan.
Halimbawa: Si Zeus, si Zeus ay isang kathang isip lamang at hindi totoo.
Ganito ulit ang sinasabi ng Biblia:
✔️1 Mga Taga-Corinto 8
[4]Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ANG MGA DIYUS-DIYOSAN AY LARAWAN NG MGA BAGAY NA DI-TUTUO, at alam nating iisa lamang ang Diyos.
Malinaw din na ang mga DIYUS-DIYOSAN ay mga bagay na HINDI TOTOO.
Tanong: TOTOO ba ang Panginoong Hesukristo, ang Birheng Maria at mga Santo? Imbento ba sila o nabuhay talaga?
Sagot: Siyempre TOTOO sila, NABUHAY at pinatotohanan ng BIBLIA, BANAL NA TRADISYON, SIMBAHAN, FACTS AT HISTORY.
So malinaw talaga na TOTOO sila at HINDI mga DIYUS-DIYOSAN.
👉Sinu-sino ang mga DIYUS-DIYOSAN sa BIBLIA?
*BEL AT MERODAC - Jer. 50:2;
Si Bel at ang Dragon 1:3
*BAAL AT MGA ASTARTE - Hukom 10:6
*DAGON - Hukom 16:23; 1Chro 10:10
*BAALZEBUB - 2 Hari 1:2
*ASHERA - 2Hari 13:6
*ARTEMIS / DIANA - Act 19:27; 37
*NISROC - 2Hari 19:37
*GUYANG GINTO - Awit 106:19; 1Ki 12:28
*TEMPLO NI RIMON - 2Hari 5:18
*BEL AT NEBO - Isias 46:1
*QUEMOS - Jer 48:7
*ASTARTE - 1Sam 7:3
*ZEUS, HERMES - Gawa 14:12-13
KILALA ba at TOTOO ang mga DIYUS-DIYOSAN na mga iyan?
Maging ako ay HINDI ko sila KILALA at para sa akin ay HINDI din sila TOTOO.....
And therefore ang mga IMAHEN at REBULTO ng Panginoong Hesukristo, Inang Maria at mga Santo ay HINDI MGA DIYUS-DIYOSAN.
#HumphskyRey

No comments:
Post a Comment