Wednesday, November 13, 2019

Masama ba ang pagdarasal ng paulit-ulit gaya ng Rosario?

TANONG: Bakit kayo nagdarasal ng paulit-ulit eh bawal yan sa Biblia?

✔️ Sagot: Excuse me, ang pinagbabawal ay ang dasal na paulit-ulit na WALANG KABULUHAN o VAIN REPETITIONS gaya ng ginagawa ng mga Pagano.

Ang mga dasal na nasa Rosary ay matatagpuan lahat sa Biblia gaya ng Our Father, Hail Mary at Glory Be, at ang mga misteryo nito ay bumubuod sa mga kaganapan sa buhay ni Cristo kahit hagilapin pa natin sa Biblia.

Ang mga iyan ba ay WALANG KABULUHAN?

Maging si Cristo ay nagdasal ng paulit-ulit ayon sa Biblia:

"'At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita." Mateo 26:44

So ibig palang sabihin walang kabuluhan ang ginawa ng Panginoong Hesukristo at gumaya sa mga Pagano?

Mga ilan pang patotoo mula sa Biblia:

1 Tesalonica 5:17 – “MANALANGIN NG WALANG TIGIL”

Pahayag 4:8 – HOLY! HOLY! HOLY!

Awit 136 – PAULIT ULIT NA SINABI ANG " love endures forever"

Daniel 3:35-66 – PAULIT ULIT BINANGIT ANG "Bless the Lord"

Paulit-ulit ulit ding kinabog ng naniningil ng buwis ang kanyang dibdib habang nagdadasal.

"Ako ay makasalanan, kaawaan ako ng Diyos" Lucas 18:3 at maging si Pablo ay lagi at paulit-ulit na ngadadasal para sa mga tao, Roma 1:9.

Sapagkat ang pinagbabawal na dasal ay katulad nito:

1 Cor 13:1 "Kung magsalita ako ng mga wika ng mga tao o ng mga anghel at wala akong pag-ibig, ako ay parang tansong tumutunog o kumakalansing na pompiyang"

Ibig sabihin, walang kabuluhan.

-Humphsky Rey

No comments: