Wednesday, November 13, 2019

An open letter sa mga dating Katoliko

An open letter sa mga dating Katoliko na mas masahol pang manira sa dating pananampalataya

Dear former Catholics, kapansin-pansin na namumukod tangi kayo sa paninira sa ating Simbahan, ang pananampalatayang inyong iniwan dulot narin ng ilang bagay, maaaring naligaw o napaniwala ng iba, maaari din namang dahil sa pagkayamot at pagtuklas, o personal na rason. Hindi maikakaila na ilan sa inyo ay wagas at mas matindi pa kung siraan, duraan at yurakan ang dati ninyong paniniwala kumpara sa mga natural na kaanib ng bago ninyong sekta. Tila ba may matinding pinanghuhugutan ang inyong galit na kung tutuusin marahil siguro ay dahil sa personal na karanasan, impluwensya ng iba, o mga bagay nalang na nais ninyo. Napansin ko din na tuwing kayo ay naninira, napakarami ninyong mga paratang na hindi naman totoo, kagaya nalang ng pagsamba sa rebulto, at iba pa, isang kahayagan na hindi nga ninyo maunawaan ng husto ang inyong pananampalataya noong Katoliko pa kayo. Isang pakahuluganan na hindi manlang ninyo inaral ang inyong pinanggalingan. At napakalakas pa ng loob ninyo na sabihing, "galing na ako diyan", "alam ko na yan", at marami pang iba, na well in fact maling mali naman ang inyong sinasabi. Sabi pa nga ninyo, "salamat at wala na kami diyan", "umalis na kayo diyan", "proud na kami sa meron kami ngayon" at marami pang iba, kaalinsabay ng di mailarawang paninirang ibinabato ninyo sa dati ninyong Iglesia. Kung tutuusin mahiya dapat kayo, sapagkat nasasabi ninyong mabuti kayong tao ngayon at noon ay hindi, na nagbago na kayo. Bakit, tinuruan ba kayo ng Simbahan na magpakasama? Sumamba sa rebulto? Mambabae, magsugal etc? Patunay lamang niyan na di kayo aware at hindi nga sapagkat noon ay mga Like aem, Cafeteria o Nominal Catholics lang kayo, hindi kayo naging aktibo noon sa pagtuklas sa pananampalataya ninyo, edi sana pinagtatanggol ninyo ngayon. Pero sa halip na nagyari iyon, ay hindi. Bago sana kayo umanib, natanong niyo ba sa sarili niyo if active karin ba noon gaya ng pagiging active mo ngayon? Compare also if tinuruan ba kayo ng Simbahan na manira ng iba gaya ngayon? Nakalimutan niyo ata na ang tinutugis ninyo ay mismong si Cristo at hindi ang kanyang Iglesia, siya po ang inyong inuusig (Acts 26:15-17), sapagkat ang Simbahan ang kanyang Katawan at siya ang Ulo nito (Ephesians 5:23, Colosas 1:18). Natupad lamang ang sinabi ni San Pablo, na kayo ay dating kasama namin, pero umalis kayo sa amin upang sa ganon ay mahayag na hindi kayo sa amin(1 John 2:19). Sapagkat kung kasama sana namin kayo, ay hindi sana ninyo iniwan ang Inang Simbahan.
Sapagkat kung alam niyo lamang sana na ang Simbahang Katolika ang itinatag ni Cristo (Mateo 16:18) ay hindi sana kayo umalis, ito sana ay ginawa din ninyo na may bukas na isipan at puso, pero imbes na ganoon ay naging mapagmataas kayo at hindi niyo pinagbuksan ang katok sa inyong pintuan, bagkus ay sinara ito (Revelation 3:20). Hindi kayo nagtiwala sa Simbahan na siyang Haligi at Sandigan ng katotohanan (1 Timothy 3:15) at hindi niyo kinilala ang gabay dito ng Espiritu Santo sa lahat ng dako ng katotohanan (John 16:13), ibig sabihin ay inyong tinuligsa ang katotohanan, at dahil diyan ay wala na kayo sa katotohanan bagkus ay nangawala na. Pero hindi pa huli ang lahat kung magbabalik loob kayo, ang Simbahan ay laging bukas sa inyo, at ang Diyos ay mapagpatawad (Luke 15:11-32).

-Humphsky Rey
Reposted Nov. 11, 2019

No comments: