Wednesday, November 13, 2019

Bakit tinawag na Catholic Church?

Bakit tinawag na CATHOLIC CHURCH imbes na Iglesia ni Cristo o Iglesia ng Diyos?

=Humphsky Rey

Ating sasagutin ang tanong na hindi ikinakatulog at ikinababaliw ng mga sektang naninira sa ating inang Simbahan. 

Ayon sa kanila, kung tunay daw ang Iglesia Katolika, bakit hindi Iglesia ng Diyos o Cristo ang tawag dito?

Sa pagsagot nito kinakailangan natin ng malawak na pang-unawa at bukas na kaisipan, hindi kaisipan ng isang Sola Scriptura Minions kung hindi kaisipan ng isang taong may common sense at kaunting lohika.

🙏UNA, tinawag itong CATHOLIC dahil ito ang nasa Biblia at wala ng ibang rason pa. Walang ibang itatawag dito ayon sa Banal na Kasulatan kundi CATHOLIC lamang. Bakit CATHOLIC? Sapagkat ang salitang ito ay nangangahulugang "PANGKALAHATAN" synonymous sa ALL, THROUGHOUT ALL, UNIVERSAL, GLOBAL, WHOLE etc. Dahil ito ay tumutukoy sa pagiging isa o pagkakaisa ng mga Cristiano sa pangkalahatan. Sa panahong dumadami ang mga manliligaw ay minabuting ilapat ito ni  Ignacio upang maihayag ang pagkakaisa sa Iglesia.

Ngunit upang maging matatag ay ating sangguniin ang Biblia na nagsasabi ng ganito:

Isaias 56:7 "Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
7 “Dadalhin ko kayo sa banal na bundok.
    Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo.
Malulugod ako sa inyong mga handog;
at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Napakalinaw, sinabi na pala ng Diyos na ang kanyang TAHANAN (CATHOLIC CHURCH) ay TATAWAGING "BAHAY-DALANGINAN ng LAHAT ng BANSA" sa ibang salin ay TAO.. This is so futuristic during that time, and clearly it was manifested in the Catholic Church.

For God is a Catholic God, hindi lang siya Diyos ng Israel o ng Roma, o America, o Africa, and Diyos ay Diyos ng lahat, He is a "Universal God".

Walang mababasa sa Biblia na ipinag-utos na ang magiging TAWAG sa IGLESIA ay Iglesia ni Cristo o ng Diyos, ito ay pawang mga descriptive titles lamang o mga pantukoy.

Ngayon ay sasabihin na naman niya na ang Iglesia daw ay ISUSUSUNOD sa PANGALAN ni CRISTO, dito palang ay bagsak na sila, sapagkat ang IGLESIA o alagad ni Cristo ay hindi naman tinawag ng mga tao noon na Iglesia ni Cristo kundi mga "CRISTIANO".

Gawa 11:26 "Nang makita niya si Saulo, isinama niya ito pabalik sa Antioc. At isang taon silang nakasama ng iglesya roon, at maraming tao ang kanilang tinuruan. Sa Antioc unang tinawag na mga Cristiano ang mga tagasunod ni Jesus." 

Napakalinaw, na tinawag silang mga Cristiano kaya palpak ang argumento nila na TATAWAGIN ITO SUNOD SA NGALAN NI CRISTO na dapat daw ay IGLESIA NI CRISTO, pero mas maniniwala ako sa katagang CRISTIANO kaysa sa Iglesia ni Cristo na isang pantukoy lamang.

Ngayon na napabulaanan natin ang laging ipinaglalaban nila ay atin namang tumbukin kung bakit hindi lang CATHOLIC ang tawag sa ating pananampalataya, bakit ito ay tinawag ding ONE, HOLY, CATHOLIC and APOSTOLIC, bonus na ito para sa mga laging nagsasabi na ang IKAR ay wala sa Biblia.

✝️Una, Ito ay IISA o ONE, ang Iglesia na tinatag ng Panginoong Hesukristo ay iisa lamang hindi marami:

✔️Mateo 16:18 "At sinasabi ko rin sa iyo: Ikaw ay Pedro. Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades."

✝️Pangalawa, ang Simbahan ay BANAL o HOLY sapagkat ang Founder o Tagapagtatag nito ay BANAL din, na walang iba kundi ang Panginoong Hesukristo. At itobay ginagabayan ng Espiritu Santo:

✔️Juan 16:13" Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap."

✝️Pangatlo, ito ay PANDAIGDIGAN o CATHOLIC sapagkat ito ay pandaigdigan o pangkalahatan, aside dito, ito ay ipinag-utos na ipangaral sa BUONG DAIGDIG:

✔️Mateo 28:19 "Humayo nga kayo. Gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, inyong bawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu"

✝️At Panghuli, ito ay MAY KAUGNAYAN SA MGA APOSTOL o APOSTOLIC, hindi maikakaila ito ng mga sulpot sapagkat maging mga aklat ng kasaysayan at kaalaman ay nagpapatunay na ang Simbahang Katolika ay may kaugnayan sa mga apostol, walang ibang mga sulpot na makapagpapatunay na sila ay apostoliko gamit ang parehong Biblia at mga referensiya, lalo na ang Iglesia ni Ginoong Manalo. Ganito ang patotoo din ng Biblia:

✔️Efeso 2:20 "Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus."

Kaya malinaw ang mga patotoo ng Biblia ukol sa pangalan ng Iglesia, at ito ay kinakailangang unawain wag lang kopyahin at angkinin.

🙏IKALAWA, noong mga panahong yaon ay hindi pa naman nagsisilitawan ang mga bulaang propeta at relihiyon na mapang-angkin sa mga nakasulat sa Biblia, tanging ang Iglesia Katolika lamang ang umiiral noon bilang mga Cristiano kaya walang basehan na angkinin ang mga nakasulat sa Biblia para lamang mapatunayan na ito ay tama. At ang mga salitang IGLESIA NI CRISTO at IGLESIA NG DIYOS ay pawang mga pantukoy lamang at ang IGLESIA na tinutukoy ay ang CATHOLIC CHURCH. Nakuha po ba? 

Kaya ang maipapayo ko sa inyo ay magsuri kayo sa katotohanan at huwag diyan sa kasinungalingan. 😇🙏

Salamat!

#TAPOSANGPASAKIT

No comments: